Chapter 17

1.4K 69 6
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 17

Marunong akong sumuko lalo na sa mga bagay na alam kong wala namang patutunguhan.

I have this habit of cutting toxic things off my life. Coz why not? It'll make you happier.

In part of letting go of Ivo, I did tell Ate Minnie about my little crush on him.

We met up with Krissy and ate in one of the expensive restaurants in our campus.

Kung ano-ano munang pinagusapan namin. I try my best na hindi mapunta sa'kin ang topic. Kasi syempre... ayaw ko din naman na ipagkalat na may gusto ako kay Ivo. Lalo na sa alam kong kakilala niya.

Hesitant ako malamang.

Pero... syempre dahil si Krissy ang kasama ko... the one who has all the non-pabebe stuff in the world, siya na ang nag-initiate ng topic.

"May sasabihin sa'yo si Chyanne," panimula nito kay Ate Minnie.

"Hala, wala eh," pag-deny ko kaagad.

"Ano 'yun?" tanong ni Ate Minnie.

"Wala!"

"Mayroon!" sabat ni Krissy. "'Yung crush niya kilala mo."

"Ha?! Paanong kilala?"

"Block mate niyo dati."

"Saan? Sa inyo?"

"Hindi. Doon sa History class niyo."

"Sino do'n? Si Stephen?!"

"Luh, hindi ah!!" sagot ko na.

"Eh sino do'n? Teka lang mag-iisip ako."

"Wag na natin pag-usapan kasi hindi ko din sasabihin."

"Sino nga?" paghatak niya sa kamay ko.

"Secret. Walang clue."

Buong pag-upo namin doon kinulit na lang niya ko nang kinulit kung sino daw ba 'yun. Dahil strong ako, hindi ako bumigay... agad.

Pinaghintay ko muna na mawala si Krissy, na matapos kaming dumaan sa simbahan at halos wala ng tao sa campus, bago ko sinabi sa kaniya.

"Sino nga?!" tanong niya habang naglalakad kami palayo ng simbahan. "Wait, iniisip ko. Sino ba? Si Derek? Si Montemayor?"

"Sino 'yon?!" tanong ko. "Sinong Montemayor?"

"Ah so hindi mo kilala si Montemayor. Kita mo na so kilala ko nga talaga kung sino... sino ba?! Si Derek... si Stephen... Si Iel?! (seatmate ko)... si Ivo? Sino pa ba? Hindi ko naman sila kilalang lahat. Hindi naman tayo nakikipag-usap sa kanila."

"Kaya nga."

"Edi sino nga?!"

"Ewan ko sa'yo," pagtawa ko.

"Sino nga?!" pagpadyak niya sa sahig. "Wait lang."

Nakita ko naman kung gaano na siya nahihirapan. Akala ko ba alam niya kung sino 'yung crush ko? Hindi na ba niya matandaan 'yung nabasa niya sa phone ko?

But I know, in the end of the night sasabihin ko lang din sa kaniya.

So I did.

"Joke. Si Ivo talaga 'yung crush ko."

"Ivo? Ivo Campa?"

"Yes."

"Ah. Gets."

"Anong gets?"

"Sabi na siya eh. Parang mas weird naman na hindi mo siya magustuhan."

"At bakit?!"

"Gwapo nga di ba? Tangkad pa. Athlete."

"Athlete?!"

"Oo! Kaya nga siya nawawala noong ilang meetings eh. May game sila or something na gano'n."

Parang dalawang meetings lang naman siyang nawala. "Talaga ba?! Hindi ko alam!!"

"Oo nga!"

"I didn't know!

"Ayun na nga, athlete siya."

"Hindi ko alam!! Nagustuhan ko lang naman siya kasi..." napatigil ako. Omg. I don't want to sound like I so like him. "Kasi... I don't know... nagustuhan ko lang siya kasi... ang tahimik niya gano'n. Ang mysterious. Matangkad. Not necessarily naman na gwapo..."

"Oo nga."

"Tas alam mo ba akala ko ang fluffly niya?! Nung nakita ko siya noong naglaro siya. Shit. Muscles." Pinigilan ko na lang ang pag-heart eyes.

Natawa siya. "Fluffy?!"

"Oo nga! Akala ko mataba siya! Hindi ako marunong tumingin!"

Natawa lang siya. "Crush mo nga siya?"

"Hindi na. Tapos na. Kaya nga sinasabi ko na sa'yo."

"Ano ba 'yan?!"

"Sorry," pagtawa ko.

But I know for myself that I'm lying.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon