Chapter 33

1K 46 0
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 33


3 days after ng baccmass. Syempre, trying to be happy naman ako. I made a new friend! Super saya niya lang kausap. And yes, he's a guy. Kwento ko sa inyo kung gagawan man ito ng book two... baka tungkol naman sa kaniya 'yung libro na 'yun... or... maybe... he may be my bridge back to Ivo Campa...? Haha.

Hindi ko na kayo spoil sa details, 'no! But he's a nice guy. Super sweet.

Anyway... natatahimik na nga ang buhay ko sa drama kay Ivo Campa dahil may nage-entertain sa'king iba. May kumukuha ng atensyon ko mula sa pagddrama. Buti na lang.

"Nagugutom ako," sabi ni Ate Billy.

"Takoyaki?" tanong ko na agad.

"Tara!" sabi niya at tumayo na kaming dalawa. Ini-snatch ang wallet sa lamesa sabay labas na ng kwarto papuntang elevator. Madaming tao sa street namin, ang dami kasing street foods dito eh kaya ayun... tambayan ng mga estudyante. Pero mabuti na lang kami lang ang tao sa Takoyaki-loves namin.

Maghihintay daw kami kasi kakadating lang ni Kuya. Ayoko ng Takoyaki kasi ibang klaseng gutom nararamdaman ko. Pero inintay ko munang matapos ang ka-dorm ko sa pagbili para makalipat na kami ng ibang tindahan.

Nag-phone muna ako. Ka-chat 'yung bago kong friend. Hanggang sa hindi ko na talaga kinaya ang gutom at nakita kong matatapos naman nang lutuin 'yung Takoyaki.

"Bili na muna ako ng dumplings ah? Gutom na ko," sabi ko.

"Sige, sige," sabi niya nang hindi manlang ako tinitignan at nakatutok sa phone.

Binulsa ko na ang phone ko at tumalikod. Humakbang ako ng isa. Dalawa. At umangat na ang ulo ko.

Biglaan akong napatalikod nang mabilis at kumapit sa ka-dorm ko. "Si Ivo. Si Ivo. Si Ivo Campa," mabilis kong bulong sa kaniya.

"Asan?!" paglingon niya.

"Ayan, ayan! Naglalakad! Please, wag ka muna lumingon."

After three seconds tsaka lumingon si Ate Billy. "Ah 'yun pala. Ang tangkad niya ha?"

"Six-footer nga eh," sabi ko at bumitaw na sa kaniya. Sinundan ko naman ng tingin si Ivo. Hay, oh my. Naka-lumot green na shirt siya at light brownish pants.

Shet. Bakit ang sexy ng likod niya? Parang ang sarap kal—

"Bibili ka pa ba?" tanong ni Ate. "O busog ka na naman na?"

Natawa ako. Harsh! "Kakain ako 'no! Teka nga bibili na ko."

So heto na naman ako ngayon. Panic mode! Ano nang gagawin ko? Pahabol ba 'tong pagkikitang 'to? I'm sure ito na 'yung last.

Last na talaga 'to.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon