Imagination #4

2K 89 15
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Imagination #4

 

Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwagidagdag sa kabuuan ng tunay napangyayari.

 

Isa pang eksena araw ng shooting namin. If ever nagkaroon ng Third Day Shooting. Hindi ako maka-get over sa mga araw naiyon. Ewan ko ba.

Kunwari sa campus lang kami nagp-practice tapos inabot na kami ng gabi to the point na pinaalis na kami ng guard sa building dahil past nine na.

"San na tayo?" tanong ni Ate Minnie nang nasa labas na kami ng gate ng building. "Ilipat na lang natin ng araw?"

"Hindi pwede. Finals na natin next week eh. Wala ng time," sagot ni Ate Chloe. "Malapit na bahay kanino?"

"Sa'min," sagot ni Derek. "Mga thirty minutes away 'yun ngayong gabi. Ano, game?"

"Wala nang mas malapit?"

"Sa'min, kaya lang walang space," sagot ni Ate Minnie.

"Tara na. Tara na. Paano pupunta do'n? Commute? Anong sasakyan?"

"Kotse ko," sagot ni Derek. "Tsaka si Ivo may kotse din. Kasiya naman siguro tayong lahat?"

"Sige na, tara na."

Naghati kami. Syempre, kay Ivo ako sasakay. Chos.

Pero kahit na doon ako hindi naman ako kaagad sumakay para if ever na sobra, ako na lang maga-adjust. Sanay naman na ko (huhu).

Suwerte kasi kasiya pang isa pero pinigilan ako ni Ate Minnie. "Ano, gagawin mong driver 'yung nasa unahan? Do'n ka!"

"Ha?"

Napatingin ako sa harap at nagkatinginan kami ni Ivo sa rearview mirror. "Ay, sorry."

Hinatak na ni AteMinnie ang pinto pasara at binuksan ko ang akin. Mabilis akong naupo. Medyo mataas ang upuan dahil Fortuner ang kotse niya. Another dream car. Nag-seatbelt na ko at nakita kong napangisi siIvo.

"Nag-iingat lang," sabi ko sa kaniya.

"Hmm," sagot niya.

Sinusundan lang namin si ang instructions na ibinigay ni Derek. Wala ngang traffic dahil gabi na at payapa kaming nasa kotse. Nakuha pa nga naming makinig ng radio at makikanta.

Nakarating kami kila Derek nang buo. Hindi ko alam pero siguro dala na ng oras kaya medyo "high" kami sa kasiyahan. Tawa na lang kami nang tawa habang nags-shooting. Kumain pa kami ng pizza na pina-deliver namin at hati-hati sa bayad.

Natapos din namin ang proyekto.

Balik kaming lahat sakotse.

"Shit," bulong ko.

"Oh bakit?" tanong ni Ate Minnie habang pabalik kami sa kotse ni Ivo.

"Sarado na 'yung dorm ko. Patulog sa inyo," pagtawa ko.

"Pinagsarhan na nga din ako ng pinto eh," sagot niya din sa'kin.

"Sa'min na lang kayo matulog!" sigaw ni Ate Chloe na nakikinig pala sa usapan namin. "Walang uuwi ah? Not unless kailangan niyo talagang umuwi."

Ang iba ay hindi nagpaawat. Nagrepresinta naman si Ivo na ihatid kaming mga hindi uuwi sa bahay nila Ate Chloe. Nagpalit ng laman ng kotse at ang ending anim kami sa kotse niya. Apat na babae, tatlong lalaki.

Nasa unahan pa din ako. Like, shit.

Gaya nang papunta, malakas ang music ng kotse pero ngayon iniwanan naming nakababa ang mga bintana. Ang lamig kasi ng simoy ng hangin—este, usok.

Napatigil kami sa isang stoplight at ang countdown nito. May tumabi naman sa'ming isang kotse na nakababa din ang bintana at biglaang bumusina kaya napatingin kami. Umugong naman ang makina nito.

Napataas ang kilay ko.

"Hinahamon ka, Ivo oh," pagsigaw ni Stephen mula sa likod.

"Wooh! Racing!!" sigaw ng isa pang lalaki na hindi ko alam kung saan namin napulot noong nag-groupings.

"Wag kasi!" sabi ni Ate Minnie.

"Ako okay lang!" sabi ni Sarsi.

"Tigilan niyo nga," pagkontra ni Ate Chloe.

"Joke, wag pala," sabi ni Stephen.

Nabalot naman kami ng katahimikan. Napatingin ako sa stoplight. 15 seconds.

"Chyanne!" sigaw nila.

"Ano?"

"Anong ano? Anong choice mo? Bilisan mo iniintay ni Ivo."

"Ha?" napatingin ako kay Ivo na nakatingin sa'kin. "Shit."

Muling umugong ang makina ng kotse sa kabila. "Ayaw yata ng girlfriend mo, p're!" natatawang sigaw ng lalaking nagmamaneho na mukhang kaedaran lang namin.

"Ay wow," bulong ko."Sige lang."

Majority wins; 4-3. Hindi ko alam kung tama 'yung desisyon ko. Buhay ko na yata nakasalalay sa daang ito. Paano na lang kung mamatay ako? Kami? Edi ako may kasalanan? Shit.

Ramdam ko ang pag-vibrate ng kotse habang tinatapakan ni Ivo ang gas. Pero shit, shit, shit. Tama ba 'tong ginagawa ko?

5.

4.

3.

2.

1.

"WAG!"

May narinig akong humarurot na kotse. Pagmulat ng mga mata ko nandoon pa din kami sa tapat ng stoplight at malinaw sa gabing madilim ang taillights ng kotseng kaninang katabi lang namin.

Napaangat ang mga kamay ko mula sa kamay ni Ivo na nasa console. Uy, chancing.

Natawa naman siya. "Hindi ko naman talaga papatulan. Left turn na tayo dito."

Pumasok na din ang hangin sa loob ng mga baga ko. Napasandal ako at umandar na ang kotse. Napapikit ako. Bigla akong pinagpapawisan na ewan.

"Galit ka?" rinig kong tanong niya.

"Ba't ako magagalit? Kotse mo naman 'to."

"Galit nga."

"Hindi nga."

"Galit si girlfriend," kantiyaw pa ni Stephen.

Umirap ako. "Luh."

Natahimik na naman kami. Ayoko sana na ako 'yung nagc-cause ng awkwardness pero shit. Ewan ko din ba. Biglaan kaming lumiko kaya napatingin ako. Nasa drive thru kami.

"Anong gusto niyo?" tanong ni Ivo.

Kaniya-kaniya naman silang sigaw at lumipat na kami sa kabilang window. Siya ang nagbayad ng lahat. RK nga kasi.

"Oh, ice cream. Pampalamig ng ulo," sabi niya at may inabot.

Kung hindi ko lang siya crush at sinabihan niya ko ng ganyan baka itapon ko pa sa ibabaw ng ulo niya 'yang ice cream na 'yan. Pasalamat na lang talaga siya at crush ko siya. Aabutin ko na sana ang peace offering niya pero nilayo niya sa'kin.

"Bati na tayo?"

Biglaan namang may lumipad na mga paruparo sa tiyan ko. Pinigilan ko lang na mapangiti sa kilig. "Nag-away pala tayo?"

"Galit ka eh."

"Hindi nga kasi!"

"Di nga?"

"Hindi nga! Akin na! Matutunaw na 'yung ice cream!"

Inabot na niya sa'kin at dinilaan ko na kaagad ang lugar na tutulo na. Umirap ako kay Ivo pero ngumiti siya sa'kin. Alam niyang pinatawad ko na siya.

Hmph. Ngiti-ngiti ka diyan?

Kung tayong dalawalang magkasama ngayon baka nahalikan na kita.

Pasalamat ka talaga.

Char.

Gusto niyo ba ng part two nitong imagine na'to? Comment agad! Haha. Hindi pa tapos ang gabi na ito.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon