Imagination #17

1K 29 0
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Imagination #17


Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag idagdag sa kabuuan ng mga tunay na pangyayari.


Sabi nila, "Sometimes all you need is twenty seconds of insane courage. Just literally twenty seconds of embarrassing bravery. And I promise you, something great will come of it". Tingin mo ba hindi ko sinubukan na magkaroon ng ganoong lakas ng loob? Syempre gusto ko din naman. Gusto ko din namang umasenso ang buhay ko 'no!

Ilang beses nang tumakbo sa utak ko kung anong gagawin ko kapag nagkaroon ako ng twenty seconds of insane courage.

Pinlano ko siyang gawin. Literal. Sabi ko pa sa dormmates ko kapag nakita ko talaga si Ivo kakausapin ko na siya. Dumating na ko sa punto na ayoko na din maghintay at gusto ko na lang din matapos itong pagtatago ko na crush ko nga siya.

Ganito ang nabuong eksena sa utak ko.

Kunwari kakalabas ko lang ng room. Tapos nakita ko siya sa dulo ng hallway na may mga kausap. Tapos heto na. Huminga ako nang malalim.

Heto na gagawin ko na talaga.

Humakbang ako at inilagay ang isang paa sa harap ng isa.

At nandito na ko. Sa harap ni Ivo.

Napatigil sila sa pag-uusap at alam kong nakatingin din sa'kn ang mga kasama niya.

"Pwede ka ba makausap?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiti naman at tumango. Sumabay naman siya sa'kin maglakad papunta nang isang tabi. Tumigil kami at hinintay niya kong magsalita.

Wait, ano na nga palang sasabihin ko?

Shit, Chyanne.

Mental block!

"Uhm," panimula ko.

Naghihintay pa din siya at napatingin ako sa mga sapatos ko. Ano bang una kong sasabihin?

"Okay lang 'yan," sabi niya. "Take your time."

Nakakahiya!

I try again, "Uhm, kasi... May sasabihin lang sana 'ko."

"Oh?"

Bahala na nga!

"I just... ilang beses na kitang nakikita dito sa hallways. And naging mag-blockmates na tayo sa History dati—I don't know if you remember. Pero anyway, may crush kasi ako sa'yo. Very slight! Gusto ko lang ma-reject properly para lang matigil na 'tong pagkakagusto ko sa'yo? Ayoko na kasi ng cardiac moments eh."

Natahimik naman siya at ako naman 'tong napatingin sa kaniya. Nakatungo na din siya at nakatingin sa sapatos niya.

"Sorry. Ang awkward talaga ng sinabi ko."

Inangat naman niya ang ulo niya at biglaang ngumiti. Ano ba, Ivo? Kita mong nagm-move on na ko tapos ngingitian mo ko nang ganyan? Okay ka lang ba?

"Okay lang," sagot niya.

"So ayun..." sabi ko sa kaniya. "I-reject mo na ko."

Tumayo siya nang maayos. "Paano kung ayoko?"

"Ano ba 'yan? Sige na kasi," sabi ko sa kaniya sabay tapik sa braso niya. Feeling close ako eh. Malay mo after ng rejection maging friends naman kami. Medyo okay ako na gano'n.

"Pag-iisipan ko muna," sabi niya at ngumisi. "Try mo ulit bukas. Baka magbago na isip ko. Sige na may class pa ko. See you bukas."

Tumalikod na siya at naglakad.

"Ivo!" yeah, nagkaroon na ko ng lakas ng loob na tawagin siya.

Tumingin lang siya mula sa ibabaw ng balikat niya at nginisian na naman ako.

Aba, talaga.

Hay nako, Ivo. Hanggang imahinasyon ba masasaktan pa din ako?


Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon