Chapter 32

1K 51 1
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 32


Natapos ang baccmass nang hindi ko na nakikitang muli si Ivo Campa. That was a week ago. Naiyak na ko sa paglamon sa'min ng fireworks kasabay ng beat ng Coldplay. Emotional na ko at buhay na buhay na naman ang aking "insert student school identity name" spirit ko.

Sumuko na ko kay Ivo Campa.

Alam ko naman na hindi ko na siya makikita ulit dahil puro practice na lang ng marcha ang ipapasok niya. Paano ko pa siya makikita no'n? Haha.

Pero happy ako. I really am happy.

Akala ko kasi noong nakita ko siya sa Wendy's iyon na 'yung huli. Pero unexpectedly, pinakita na naman siya sa'kin.

Syempre, balik ako kay Lord.

"Lord, thank you po ng sobra sobra. Salamat po sa pagbibigay kay Ivo Campa bilang inspirasyon ko sa pag-aaral at energizer ko kapag tinatamad na ko. Thank you po sa isang magandang sem. At salamat po sa mga pagkakataong ipinakita Niyo si Crush sa'kin. Thank you po talaga. Thank you for inspiring my little mind and heart. Masaya pong experience. Siya na po yata 'yung legit na first crush ko. Salamat po sa mga oppurtunities kahit na nilampasan ko. Hindi ko po masasabing hindi ako nagsisisi but I know You have better plans for me. Thank you, Lord. And guide us always..."

Mahaba ang dasal ko syempre. Minsan nga para na kong nagr-rap. Kadalasan puro pasasalamat talaga. Hindi ko din naman gustong manghingi nang manghingi.

I mean, God gives us everything, just in the right time.    

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon