Chapter 7

2.5K 121 11
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 7


Basahin niyo 'yung text logs!! Nando'n 'yung ibang part ng story nakakaloka. Kahit 'yung imagination i-skip niyo wag lang 'yung text logs.


Second Day Shooting


At dahil sa weekend na ipapasa ang movie, dapat matapos na namin siya within this week. Swerte ko, double silay ako kay Ivo sa isang linggo. Wednesday ngayon at may shooting ulit sa isang bakanteng room nang tatlong oras. Gusto na kasi naming matapos din. (Kahit medyo ayoko kasi hindi ko na makikita si Ivo.)

Dahil sa kahihiyan at katorpehan, hindi na naman ako kumuha ng role. Dinahilan ko na hindi naman importante ang eksena kung saan ako papasok at 'yung iba ay may klase pa kaya sila na maunang mag-shooting. Tapos na kasi ang mga klase ko kaya valid reason.

Katulad ng iba, si Ivo may klase din kapag natapos ang shooting kaya naman sila na ang unang sinalang. Late na naman siya pero hindi gaanong late.

Actually, nakita ko na siya kanina na pababa ng second floor. May kasama nga lang na prof kaya hindi ko binati (lol, Chyanne, kahit naman mag-isa siya hindi mo rin babatiin). Nag-uusap sila kaya hindi ko na binalak na umeksena. Mukhang importante eh.

Akala ko kapag nakita na niya kami, kasama ko kasi si Ate Minnie dahil iniintay namin si Stephen, sasabay na siya sa'min pero lumabas siya ng building. Hindi ko manlang alam kung pupunta ba siya ng shooting. I-ditch kaya kami no'n?

Pero hindi. Dumating nga siya.

Gaya ng una, stage manager lang ang peg ko. Taga-ayos ng ganito at kausap lagi si Derek na director namin. Taga-ayos ng script at pagkakasunod-sunod. Matapos naming mag-usap, hinihintay na lang namin na matapos si Ivo bihisan.

Nasa harap ko lang siya habang busy ako sa kaka-Twitter at pag-abot kay Ate Chloe ng mga pardible.

"Hindi kasya!" paglayo ni Ate Chloe kay Ivo. "Ang tangkad mo kasi."

"Ang sagwa nga," sabi ko dahil hindi manlang umabot sa hita niya ang tela. Nakakatawa sa totoo lang. Pero professional ako (char) kaya dapat... ya know... chill. Haha!

"Di ba may dala ka?"

"Hmm?" pagtingin ko kay Ate.

"May dala kang kumot, 'di ba? 'Yung nilabas mo kanina? Pahiram mo muna."

"Ah, oo sige, ayun oh," sagot ko at tinuro ang bag ko kung nasaan ang mahiwaga kong kumot.

Shit shit shit. Kumot ko ibabalot kay Ivo? I can die now. Mamayang gabi ibabalunbon ko sa katawan ko 'yan!!!!!!!!!!

Pero shit. Hindi lang ako ang tanging pailalim kung tumira.

Tangina.

Bakit hindi ko pa nahalata?

May gusto si Ate Chloe kay Ivo. Shit. Shit. Shit. Ngayon ko lang napansin shit namaaaannnn!

Pasulyap-sulyap ako sa kanila habang inaayusan ni Ate Chloe si Ivo. Pansin din ni Ivo eh. Hindi niya lang siguro binanggit. Nag-chill lang siya kahit halos yakap-yakapin na siya ni Ate Chloe habang iniikot ang tela. Like shit. Ako na lang gagawa!!!!!!!!!!!

"Bakit ka late?" tanong ni Ate.

"Ah, kasi nag-aayos ako ng credentials sa office."

"Bakit?"

"Transferee kasi ako. Hindi pa nac-credit iba kong units."

Akalain mo nga namang sa pakikinig ko lang sa kaniya malalaman kong galing sa top performing school 'tong si Ivo? Grabe. Yayamaning bata talaga siya. Pinakamahal yata ang school na iyon dito sa Pilipinas.

Nag-usap pa sila tungkol sa school shit ni Ivo. Hindi ko maintindihan ang ibang terms dahil, duh, hindi ko pa iniintindi 'yung shiz na 'yun. Selective listening at nagpapababa ako ng selos dahil sa pinaggagawa nito ni Ate Chloe.

Sana ganyan din kalakas loob ko what the hell!!!

"Ayan, okay na," sagot ni Ate. Nagbihis na din siya dahil magkasama sila sa shot na iyon. Mabilis niyang nagawa ang kaniya at nagsimula na kaming mag-shoot.

Pa-snap-snap na lang ako ng production namin. Iniisip ko kung anong ganap kung ako 'yung nando'n. Pasalamat na lang ba ako na walang partner shit na naganap dito sa movie na 'to? Baka mamatay na talaga ako sa selos.

Shit.

Ni hindi ko nga alam kung may girlfriend si Ivo eh! 'Yun pala 'yung dapat kong malaman para naman matigilan ko na 'tong pagka-crush ko sa kaniya hangga't maaga pa.

Wait, may girlfriend na pala siya...

Ako.

Char. Joke.

Kung maghahanap man siya... I volunteer! Shit!! Talaga!!!

Noong araw na 'yun, nagpasalamat at nagpaalam si Ivo sa'min. "Thank you" daw. Paglabas niya ng pinto, tinanggap ko na 'yung katotohanan na sa susunod naming pagkikita, iyon na ang huli.

Bibitawan ko na ang pagkagusto sa kaniya.

Pero shit bakit hanggang ngayon crush ko pa rin siya?


Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon