Chapter 14

1.8K 85 17
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 14

Apparently, tao lang din ako.

Tao lang din ako na hindi naman maganda. Hindi rin naman seksi. Average lang ang talino. Not the type na one in a million.

Eh si Ivo... six-footer, gwapo, mayaman, matalino. I don't think na magiging good match kami. He's just too much for me...

...lalo na ngayong nalaman kong basketball player siya.

Alam ko namang panlaban talaga ang mukha niya, pero ngayon, na-realize ko na parang hindi lang siya para sa'kin. What I mean is I am unconsciously sharing him with everybody else. Gusto ko kasi kapag may crush ako, ako lang may crush sa kaniya.

Malamang ang daming babaeng nakakakita sa kaniya. Syempre, super pogi points kapag basketbolista ang lalaki. For sure, hindi lang ako ang may gusto sa kaniya.

Deadma.

Lilipas lang din naman 'tong pagkagusto ko sa kaniya eh. Sulitin ko na lang habang nandito pa sa'kin 'yung feeling.

Nag-champion nga ang Bio sa Science week basketball at kitang-kita ang mga ngiti nilang tagumpay sa mga pictures sa Facebook. Naghanap ako ng iba pang picture pero walang picture ang Chem.

Kaya naman nagpunta pa ko sa isang official page ng Chemistry.

Hanap. Hanap. Hanap.

Wala pa ding picture si Ivo.

Anak ng tupa talaga.

Ano, wala na ba talagang lilitaw na mukha niya sa kahit na saan? Sa school na lang ba talaga ako makakasilay?

To make the situation worse, nakakita ako ng listahan ng players nila na naka-edit sa isang magandang poster.

Ivo Campa 4CHEM

Nfadjnakjncoaenganafdjaiwannadie!

Tangina.

FOURTH YEAR NA SIYA.

Gago na.

Ano, hindi ko na talaga siya makikita ever? Wala manlang ba kong mapanghahawakan na picture niya? Like shit naman oh. Hindi manlang ako makakapaglagay ng remembrance ng mukha niya sa diary ko? Aba, matindi.

Paano ko na lang siya aalalahanin sa mga malulungkot kong gabi? Paano kung tumanda na ko tapos gusto kong maalala lahat nang nagdaang lalaki sa buhay ko tas wala siyang picture?

Iniisip ko palang naiiyak na ko.

(Pero baka kasi naman kami lang din ang magkatuluyan sa dulo at hindi ko na kailangan ng picture niya kung araw-araw ko lang din naman siyang makikita 😋😋)

Pero shit talaga. Last sem na niya dito sa school ano na?!

Hindi ganoon kadali mag-move on sa crush 'no?! Mahirap maghanap ng kapalit!

"San ka pupunta?" tanong ni Krissy, seatmate ko sa English subject kung saan kasama ko din si Mage; mutual friend namin ni Ate Minnie.

"Tapos na class ko eh. Ikaw, ba't ka lalabas? 'Di ba may next class ka pa?"

"Mag-ditch ako. Baka may recitation sa Philosophy eh."

"Ah," sagot ko habang lumalabas kami ng classroom ng 203. Ine-expect ko na isang araw, paglabas ko makakaharap ko na naman si Ivo dito sa labas na ito pero wala eh, wala naman siya palagi.

"Kain tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Tara, tara," sagot niya nang nakangiti. Hindi pumasok si Mage ngayon kaya wala akong maiiwanan na magaling na bata. "Ice cream tayo."

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon