Imagination #1

2.8K 137 34
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Imagination #1

Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag idagdag sa kabuuan ng mga pangyayari.

Hindi mo naman maiiwasang mag-daydream tungkol kay crush, 'di ba? Aminin.

Kunwari sa groupings meeting namin, alas-onse kasi ang meeting time. Hanggang alas-dose ang klase ko kaya malamang nandoon na sila. Nasa North Gym sila, ang pinakamalaking gym sa buong campus. Sa may lilim lang doon. Halos nandoon na silang lahat. Palibhasa kasi Sabado ngayon kaya wala masyadong tao.

Syempre, paganda muna sa paglalakad. Kendeng dito, kendeng doon. Sway-sway pa ang hair. Sinadya kong mag-shampoo at mag-conditioner para may volume. Ganern.

Nando'n na si Ivo. Nakatayo sa harap nilang lahat pero nasa gilid lang din. Isang kamay nasa railing at ang isa ay nakahawak sa cellphone.

"Hey, guys," pagbati ko sa harap nila. Hindi ko siya pinansin, syempre, ganda ko eh.

Pero hindi lang ako maganda. Magandang tanga. So heto ako nagpapakatanga at kunwari natapilok ako sa stairs kung saan sila nakaupo.

"Hoy," akma nilang pagsalo sa'kin pero tinaas ko ang kamay ko at inayos ang pagkakatayo ko.

"I'm okay. Gano'n lang nangyayari kapag naf-fall sa maling tao."

"Nako, engg (engineering) na naman ba 'yan?" pagtawa ni Ate Minnie.

"Ayoko na nga ng engg eh. Pagod na ko. Maghahanap na lang ako sa'tin. 'Yung matatalino din baka ano... Chemistry o kaya Physics major."

"Ayan oh," pagnguso ni Ate Minnie sa likod ko. "BS Chemistry."

"Sino?" pagmamaang-maangan ko.

"Ayan, si Ivo."

Humarap ako sa kaniya. "Ay weh ba?" pagtawa ko.

Umangat ang tingin niya sa'kin nang may isang ngiti sa mga labi niya. Ugh, ba't gano'n 'yung mga mata niya? Ang intense.

"May girlfriend ka naman eh, wag na."

"Wala."

"Di nga? Pero kahit na. Masyado kang gwapo para sa'kin."

"Maganda ka naman."

"Ayieee," sabi ko nang nangaasar. "Wag ako. HAHAHA."

Ngumiti lang siya habang nagtatawanan ang iba pa naming mga kasama.

"Ang haba ng hair ko. Shit," pag-hair flip ko bago tumingin sa kaniya. "Palipas oras?"

Tumango naman siya. "Okay lang."

"Char, nagbibiro lang ako. Baka mamaya seryosohin mo 'to ha? Dumagdag ka pa sa mga lalaking naloko ko."

Nagtawanan naman sila. Akala mo naman kasi kung sino akong maganda para sabihin 'yun samantalang ako naman ang laging naloloko.

"Ang cute. Anong height mo?" tanong ko.

"Six-two."

"Bagay kayo," sabat ni Ate Minnie.

"Hala," pag-deny ko. "Pero ang cute ng height difference namin 'no? Dapat kapag naghanap ka ng girlfriend dapat kasing tangkad ko para perfect sa'yo."

Hindi ko pa tinantanan at tinaas-baba ang kilay ko sa kaniya na tinawanan niya. "Or pwede ding ako na lang girlfriend mo. Joke lang! Omg, Chyanne, shut up," pagsalo ko sa pagtawa nila. "Ayoko na nakakahiya na."

"Pero ano nga?" pangungulit nila.

"Ano?" tanong ko kay Ivo.

"Ano?" balik niya din sa'kin.

"Makikipaglokohan ka ba sa'kin?"

"Palipas oras?"

"Yeah," sagot ko.

"Sige." Inabot niya ang kamay niya sa'kin. "No hard feelings afterwards."

Aabutin ko na din sana pero napatigil ako saglit. "Holding hands and hugs are okay. No kisses."

"Pwede ba 'yun? Paano kung hindi ko na mapigilan?"

Napaisip ako. Baka ako ang hindi makapagpigil. "Okay, fine. But no home run, okay?"

Natawa siya at mabilis na inabot ang kamay ko. "Deal!"

Pumisil ako sa malaki niyang kamay na nasakop ang akin. Nagngitian kaming dalawa.

At doon na nagsimula ang mala-Wattpad na buhay naming dalawa.

Charot.

Baka naman mamaya malito kayo sa mga nangyayari ah? Imahinasyon ko lang 'to.

Hindi ko naman kasi kilala si Ivo eh. Malay ko ba kung sasabihin niya talaga 'yang mga salitang 'yan sa'kin? Hahaha.

Pero ano nga ba talagang nangyari sa group meeting namin?

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon