Chapter 15

1.6K 78 4
                                    

                  

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 15


Hindi sapat.

Hindi sapat player ng Chemistry si Ivo. Hindi rin sapat na player siya ng College of Science. Kailangan co-captain din siya. Mapapa-what the fuck na lang talaga ako kung gaano ka-messed up 'tong pagkakagusto ko sa kaniya.

Ano na, Chyanne?!! Huhu. Lalo ka lang nac-condemn sa hindi paglapit sa kaniya. Ang saddddd talaga :(

Pero paano ko pa ba siya lalapitan kung alam kong ang daming mata ang laging nakatingin sa kaniya?

Sino ba naman ako para lumapit sa kaniya? Hindi naman nga ako maganda. Average in everything lang... hay. Sana pala naging volleyball player manlang ako, 'di ba? O di kaya part ng student council "Partido ng mga Maganda" ganern.

Pero shit talaga... ano na gagawin ko?

"Hoy, Chyanne, ano na 'yang reading mo? Hindi ka na gumalaw," puna ng ka-dorm ko na si Ate Chubs mula sa kabilang kama.

"Eh kasi naman eh," pagdadabog ko habang sinasara ang makapal kong libro.

"Oh bakit?"

"Naiirita lang ako."

"Saan?"

Nagtakip ako ng unan sa ulo ko bago ako sumagot. "'Yung crush ko kasi."

"Oh ano mayroon?"

Nangingiyak na yata ako sa pag-iinarte ko. Nagkwento na ko. Hindi ko na napigilan. Wala namang masama kung magkakaroon ako ng crush, 'di ba?

"Eh ang galing mo kasi eh," sarkastiko niyang tugon. Nagl-laptop siya sa kama niya pero alam kong nakuha niya lahat ng sinabi ko. "Mag-block mate na kayo last sem wala ka manlang ginawa."

"Naging groupmate mo pa!" sagot din ng isa ko pang ka-dorm na si Ate Billy.

"Eh anong magagawa ko?" nalulungkot kong tugon sa kanila.

"Edi kausapin mo!" sagot ni Ate Chubs.

"Eh paano nga?" I whine. "Kita mo naman 'yung social difference namin."

"'Yung mga player nga namin—'yung captain pa ha, kapag nakakasalubong namin binabati namin simpleng "hi" lang gano'n mababait naman 'yung mga 'yun eh."

"Eh, Ate, sa Business ka eh. Mga walang hiya kayo do'n—in a good way. Tsaka friendly kayo do'n eh kami sa Science ano na?"

"Alam mo, Chyanne, tao lang din naman 'yang mga 'yan eh. Ba't ka natatakot?"

"Ayoko lang kasi mapahiya..." I mumble. Oh well, sino ba naman kasi gustong mapahiya sa harap ng crush nila, 'di ba? Hay nako.

"Basta kausapin mo lang, ngitian mo kapag nakasalubong mo."

"Hindi ko kaya."

"Edi bahala ka diyan," she says in a take-it-or-leave-it voice.

Napasimangot na lang ako.

Hay, Ivo, ano bang gagawin ko sa'yo?

"Mamaya mo na isipin 'yan," sabi ni Ate Billy. "May quiz ka pa bukas. Mag-aral ka muna."

"Ito na nga eh," nanlulumo kong sagot at binuksang muli ang libro ko.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon