Chapter 23

1.2K 61 4
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 23


Matapos ang madugo kong quiz kanina, may isa pa kong shit na dapat atupagin. You know naman second year feels sa school namin may NSTP kami. May kailangan akong ipasang supplies para sa isang project sa team leader namin. So I had to meet with him after my class.

Ayun nga lang, wala pa 'yung supplies sa'kin mamimili pa ko. Galing ko talaga forevs. So nagmamadali ako after class kasi nakakahiya naman sa team leader namin. At alam ko kasing mga ganoong oras lumalabas si Ivo para mag-CR. Ang shit lang. 

Gusto na ayaw ko siyang makita.

Baka naman kasi kapag sumobra ako ng kita sa kaniya biglaan na lang akong maumay. Ayoko naman ng ganoon.

Di pa ko ready na mag-move on sa kaniya.

So binili ko na nga lahat ng shit na kailangan ko. Dali-dali din ang akong naglakad pabalik ng campus. Pagdating ko sa labas ng classroom nila, walang tao. So tinawagan ko si Team Leader. Aba hindi sumasagot. Ibinaba ko muna ang bag ko sa may bench doon. Ang bigat kasi.

Nag-aalangan akong tumingin sa maigsi naming hallway. Nandito kasi ako sa may CR ng boys. So definitely, kapag naisipan ni Ivo na lumabas, GG na ko nito.

"Chyanne!" sigaw ni Team Leader mula sa may hagdanan.

Phew, buti na lang at makakaalis na ko.

"Heto na!" abot ko sa kaniya.

"Thanks, thanks. Are you going home na ba?" tanong niya.

Sinasarado ko na muli ang bag ko at pumwesto para isuot ito. Napabusangot ako ng wala sa oras. "Papa-xerox pa ko eh."

At doon na. Iyon pa talaga ang piniling oras ni Ivo na magpakita sa'kin ewan ko ba. Biglaan na lang siyang dumating. Nagkatinginan nga kami eh.

As usual, slow mo na naman ang mundo ko. Para akong nasa pelikula. Habang naglalakad siya nakatingin siya sa'kin. Ang akala kong forever moment namin three seconds lang pala.

Nakahawak siya sa ilong niya. Ano, makati ba? Ako na lang magkakamot. Haha! Jk. 

"Alright, take care," sabi ni Team Leader.

"Yup!" pagsuot ko sa bag. "Ikaw din."

Bakit parang ang liit ni Ivo ngayon? Biglaan ba kong tumangkad? Hindi naman ako informed. Baka mamaya dinadaya na naman ako ng magaling kong utak. Hay nako. Stupida ka na naman, Chyanne. 

Pero syempre, takbo agad sa simbahan at dasal. "Lord, thank you po! Punong-puno po kayo ng pabaon ngayong Holy Week! Maraming salamat po sa pagpapakita niyo sa'kin sa kaniya ng tatlong beses. Hay, thank you po talaga. Promise po titipirin ko ang ala-ala ko. Hindi ko po ito makakalimutan." ❤

And so that moment, I am convinced. This is the happiest I had been.

Hanggang sa dumating na 'yung araw na kinatatakutan ko.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon