Chapter 20

1.4K 63 4
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 20

Matapos ang isang buong linggong tagtuyot na hindi ko nakikita si Ivo...

...ayun hindi ko pa din siya nakikita.

Kung alam niyo lang kung gaano na kawalang laman na 'yung pagkatao ko--char.

Ang hirap kapag halos dalawang linggo mo nang hindi nakikita crush mo. Parang nauubusan na ko ng hangin sa mundo. Hindi na ko makahinga.

Haha. Joke lang. Alam niyo naman ako OA.

Pero miss ko na siya :( on the other hand ayoko na siyang ma-miss dahil wala namang sumasalo ng emotions ko sayang effort ko sa pagramdam.

Kaya nakipag-usap ako ulit kay Lord kahapon.

"Lord, ang sakit na po. Ayoko na. Kung hindi ko po talaga siya makikita this week patigilin niyo na po ako."

Actually kinakabahan talaga ako na hindi ko siya makita eh. Haha. Hindi pa ko willing na i-uncrush siya.

Gabi na. Mga nine na yata ng gabi naglalakad kami ng mga ka-dorm ko para kumain. Mga bagong gising kasi kami kaya ngayon lang maghahapunan.

Nauuna akong maglakad. Short-legged feels sila eh. HAHAHA. Ako na long-legged talaga 😂 jk.

So ayun na nga, eh 'yung street ng kakainan namin mapapadaan kami sa isang gate ng school.

Then I see a figure. A tall figure. Tatawid yata siya or what.

Napakunot ang noo ko tsaka ko lang napagtanto na hindi ko pala suot glasses ko. Naknampu--

Parang nag-slow motion 'yung mundo eh. Hanggang sa may tumigil na pulang kotse sa harap niya at bigla siyang pumasok.

Teka, siya ba talaga 'yun? Napatagilid 'yung ulo ko. Kailan pa siya natutong mag-bag?

Sa buong linggo niyan inintay ko na lang na makita ko siya ulit para matapos na 'yung deal namin ni Lord. Intay na intay naman ako syempre.

Pero pagdating ng Sabado, wala pa ding Ivo.

Bumalik ako kay Lord.

"Lord, counted po ba 'yung nangyari noong Tuesday? Gusto ko na nga pong mag-move on eh tapos hindi naman ako sure kung nakita ko talaga siya huhu. Void po natin 'tong week na 'to ah?"

Oo, "Manager, pa-void!" ang peg ko.

Hindi naman ako pwedeng matapos sa isang kasunduan nang hindi ako sigurado.

"Lord, try again next week po tayo?"

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon