Epilogue

2.3K 67 3
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Epilogue


Ang daming nangyari sa'kin noong summer break. Para yata akong pumasok sa kabilang mundo. Kung magkakaroon nga ng kasunod itong kwentong 'to, doon ko na lang ikkwento lahat ng kagagahan ko. Sisimulan ko sa simula. PROMISE!

After two months nang hindi ko nakikita si Ivo...

Encoding day na namin at kailangang bumalik ako ng school para lang dito. Ang init-init tas biglang uulan. May saltik kasi panahon natin nowadays. May topak. Parang ako.

Heto na. Papasok na ko ng building.

Pero bakit ganito 'yung feeling. Parang feeling... Ivo.

Iba 'yung atmosphere. Parang lahat ng balahibo sa katawan ko tumayo pagpasok ko. Bakit ganito 'yung feeling?

Lumakas na naman tibok ng puso ko. Parang nandiyan na naman 'yung kaba na baka pagliko ko makita ko na naman si Ivo. My heart is bracing for a mini heart attack na makita si crush.

Pero paano ko naman makikita 'yun dito eh graduate na nga 'di ba? Babuu na gano'n. Good bye. Sayonara!

Oo na, alam ko na. Naalala ko na naman si Ivo sa bawat sulok ng building na 'to. But so what? Tapos na ko sa kaniya.

I've moved on. Made a lot of new guy friends. Nagkaroon ng "bagong" crush at humarto ng tunay. Nako po!

Huwag nang bumalik sa mga namatay na.

Charot.

Madugo ang proseso ng encoding. Iyak-tawa ka na lang talaga. Kasing komplikado ng buhay ko ang mga pangyayari. Alas-nuebe ako nakarating, mag-aalas dose na ko natapos. Ang galing, 'di ba?

Ang init na ng ulo ko pero pasalamat na lang talaga ako dahil natapos na ko.

"Tapos na?" tanong sa'kin ni Mage. Kakatapos niya lang din at hinintay lang ako para makakain na kami ng tanghalian.

"Finally!" sabi ko at inayos ang bag sa balikat ko. "Tara na b...a?" kusa nang namatay ang mga salita sa bibig ko. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Ha?! Ano 'to?!

Anong ginagawa niya dito?!

WHAT THE FUCK?!

Mabilis akong napatungo at lumapit kay Mage.

WHAT THE FUCK, IVO, ANONG GINAGAWA MO DITO?

"Si Ivo," sabi ko kay Mage habang nakaharap ako sa may hagdan. Meaning nakatalikod ako sa kaniya.

"Ah oo nga 'no. Eh bakit siya nagpapa-encode? Akala ko ba graduating na siya?"

"Di ko alam. What the hell," bulong ko sa kaniya. "Shit. Shit. Shit."

Ewan ko. Heto na naman 'tong puso ko. Sabi ba naman, "Sabi sa'yo, kayo ang meant to be."

Gago ka talagang puso ka. Walanghiya ka. Akala mo nakakatuwa pa ha? Sige mag-enjoy ka sa kakaasa mo diyan ha. Wag mo na kong idamay.

"Pero, Chyanne," tugon ng puso ko sa'kin na nalulungkot. "Isang semester na buo pa 'to. Limang buwan. Kayanin mo naman na. Kanina mo pa nararamdaman na magkikita kayo. You guys are soulmates."

Tse! Manahimik ka! Kaya ako napapahamak dahil sa'yo eh.

"Ang tangkad niya talaga," sabi ni Mage.

"Oo nga eh," sabi ko.

Jusq, Ivo. Bakit nandito ka na naman sa mundong ibabaw? Akala ko ba tapos na 'tong kwento natin? Akala ko ba byebye na?

Nagpaalam ka na, 'di ba? Pero bakit heto ka na naman?

Isang semester na naman. Limang buong buwan. Isang campus. Isang building. Apat na hallway. Isang ako. At isang Ivo Campa.

Shit.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon