Imagination #7

1.4K 55 7
                                    




Chronicles ng Babaeng Torpe

Imagination #7


Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag idagdag sa kabuuan ng mga pangyayari.


Tuwing wala akong magawa iniisip ko kung anong feeling nang maging girlfriend ng isang Ivo Campa.


Feeling ko nasabi ko na dati na si Ivo 'yung parang ang sarap inisin tapos kapag nainis na yayakapin mo, gano'n? Pero hindi ko naman siya aawayin sa imahinasyon na 'to. Hay. Iba kasi talaga daloy ng imahinasyon ko sa utak. So let's get this started.


Hindi ko alam kung nasaan kami basta kwarto 'yun. (Hindi ko naman kasi alam kung saan siya nakatira). We are in that part of the relationship na okay akong nahihiga sa kama niya at nakakatulog nang mapayapa.

Patay ang TV at pareho lang kaming nag-aaral or nagbabasa or whatever. Basta quiet lang kami. Hanggang sa abutin ako ng sumpong ng boredom at nagsimula na kong mangulit.

"Babe," char, pagtawag ko sa kaniya at yumakap sa kaniyang braso. "Mamaya ka na mag-aral."

"Hindi pwede," pagngiti niya. "Kailangan na mag-advace."

"Hindi mo naman kailangang pangunahan lahat. Sige na. Mamaya na 'yan."

Lumapat naman ang kamay niya sab inti ko. Iyon lang ang tanging mainit na bagay dito sa malamig niyang kwarto. Hindi pa din umaalis ang mata niya sa makapal niyang textbook nang magsalita, "Ano bang gagawin?"

"Wala, kiss mo lang ako, gano'n? Higa."

Haraught.

He finally closes his book and twists his body so he's facing me, an arm around my shoulder. "So...?"

"Wala. Joke lang 'yun. Mag-aral ka na lang ulit."

Napataas ang kilay niya.

"Ha-ha, joke lang," sabi ko at pinisil ang pisngi niya. I kiss his cheek.

"'Yun lang? Matapos mo kong istorbohin?"

I laugh. "Yes."

"Ah gano'n?" he grins and pulls me closer to him, kissing my cheek.

(Okay, wala akong ideya kung anong pakiramdam na mahalikan ng isang Ivo Campa. Jusqqqq. Siguro kung totoo na 'to baka nahimatay na ko. Just thinking about his arms around me is too much I think my heart can burst. Charot. Ang obsessive eh no. Wag, hindi tayo gano'n haha.)

Pero ini-imagine ko na ang sarap sa feeling na mapunta sa bilog ng braso ni Ivo. Hay. Ano bang nangyari doon sa "fluffiness" niya na sinasabi ko? Wala! Puro matitigas na muscles mararamdaman ko. 'Yung kapag nalaglag ka alam moong sure na sasalo sa'yo.

Hay nako, iniisip ko palang kinikilig na ko.

Iiwanan ko na dito 'tong imagine na 'to. Isipin niyo kung anong ginawa namin after niyang halikan ang pisngi niyo. Pare-parehas namang malilikot isip natin, hahahaha charot lang..

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon