Chapter 11

1.9K 98 9
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 11

 

Hindi lang isa ang nakaalam ng sikreto ko.

The inevitable happened. Normal na 'yun.

But wait, let me give you a little timeline para hindi kayo mahirapan umintindi ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa adventurous kong buhay.

Second semester (approximations lang ang mga ito. Hahaha. I suck with dates kaya wag ka nang umasa.) So far, ito na 'yung mga nakukwento ko.

·        First encounter: 3rd Week of school year (Chapter 9, "isa't kalahating buwan" ang sinabi ko do'n co'z kasama 'yung one month na sembreak namin)

·        Secondencounter: 4th Week (Chapter 10)

·        ??? encounter (teka magbibilang muna ako ng encounters namin ni babe): "recently" (Prologue)

Shit. Ang konti palang pala nang nakukwento ko tungkol sa'min ni Ivo ngayong second sem. At oo, mahaba ang istorya namin at maraming revelation. Malalaman niyo kung bakit hindi pwedeng maging kami. :(

Pero heto na nga uusad na tayo sa buhay natin. Hahaha.

As I've said, hindi nga lang si Ate Minnie ang nakaalam ng sikreto ko. Sa pagkakakita ko kay Ivo nanumbalik lahat ng feelings ko sa kaniya (shit, akala mo mag-ex kami eh 'no?) haha.

Pero hindi ko pa siya crush ulit. Hindi pa (kunwari).

Pero heto na nga, after class na yata 'yun? Kasama ko si Mage. I'm not sure kung after class siya or lumabas kami for lunch—BASTA, heto na nga.

Er, nanggigil ako bigla haha.

Naglalakad na nga kami. Nag-uusap kami tungkol sa quiz or something gano'n na medyo frustrated ako. Char, hindi ko talaga maalala kung anong pinag-uusapan namin pero biglaan kong pinutol 'yung usapan.

"...'yung crush ko," biglaan ko na lang sinabi kay Mage.

Oo, crush ko na siya ulit. Alam ko. Na-confirm ko noong araw na 'yun na crush ko na naman siya. Sadnu?

"San?" bulong niyasa'kin.

Siniko ko siya. "Ayan,ayan. 'Yung naglalakad."

Honestly, kahit nakatingin lang ako sa harapan, hindi ako prepared na makita si Ivo that day! Late na nga siya pumasok sa vision ko at na-realize na siya pala 'yun. Like,shit. Patawid na kami kaya I'm not really sure kung nakita niya ba ko or what.

"Uy, girl, ang tangkad niya."

"I know right," kunwaring hindi affected ko na sagot kahit ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Tas diretsong-diretso pa 'yung katawan niya. Lalo tuloy siyang nagmukhang matangkad."

"Hmm," sagot ko nalang dahil baka kapag binuksan ko pa 'yung bibig ko mapatili ako sa kilig nang wala sa oras.

Naghintay pa ko ng ibang sasabihin niya pero wala na. Wala manlang bang something na "ang pogi niya" ganern?

Ako lang ba napopogian sa kaniya? Luh, parang imposible?

Pero wait, ako lang ba talaga?

Edi sige, kung ayaw nila... more for me, bitches!

Pangalawa si Mage sa nakaalam. She was not the last.

That was the third time I saw Ivo. But it was not the last, either.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon