Chapter 18

1.4K 76 6
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 18

At oo, marunong akong mag-move on.

So I am back to being happyhaving to let go of Ivo. Pinagdadasal ko din na sana huwag ko na siyang makita. Effective naman dahil isang linggo nang hindi nagtatagpo ang landas namin.

I'm thankful na tinutulungan ako ni Lord na mag-move on.

Moving on is never easy. Kahit sa crush mo lang.

Pinapanalangin ko na hindi siya makita, pero hindi nagbago na sa bawat likong gagawin ko sa hallways umaasa akong makikita ko siya.

I look over my shoulder every time. I scan the crowd after every class, watching out for him.

And to be honest, matapos ang isang linggong hindi ko siya nakita, I miss him.

I feel relieved but I miss him.

Kaya pagpasok ng ikalawang linggo na hindi ko siya namamataan, nagdasal akong muli.

"Lord, kapag hindi ko na siya nakita, promise titigil na po talaga ako. Hindi na po ako manggugulo. Thursday na, Lord. Kapag hindi ko siya nakita by the end of this week bibitaw na po ako. Two days of school pero wala yatang pasok si Ivo tuwing Saturday. Kaya hanggang bukas na lang, Lord. Hanggang bukas na lang. It's do or die."

But as I leave the church, my heart screamed, Lord, ipakita niyo po siya sa'kin please.

It seems like my heart wants something else than my brain.

And it seems like the Lord really does answer prayers.

Alam kong three o'clock ang labas ni Ivo tuwing Thursday. Dahil desidido nga akong hindi na siya makita at gusto ko na mag-move on, late na ko lumabas ng dorm.

Pagpasok ko ng gate ng campus, matic na nag-scan ang mga mata ko. Wooh. Walang Ivo.

I am almost skipping my steps out of happiness. So hindi nga kami para sa isa't isa...

...hanggang sa... mapalingon ako sa kanan ko.

Sa harap ng library.

Si Ivo.

There he is.

Joking around with his friends with that beautiful smile of his.

And damn, he's... like an angel.

Lord, bakit?! 😭😭😭😭

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon