Chapter 35

1.4K 47 1
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 35


Kapag may crush ka hindi mo alam kung swerte ka ba o hindi.

First, crush mo 'yung friend mo. Swerte ka dahil close kayo. Kayang-kaya mo siyang biruin. Malas mo dahil most of the time, hanggang magkaibigan lang kayo.

Second, crush mo 'yung classmate mo. Swerte ka dahil regularly mo siya makikita. Required siyang um-attend ng klase. Bonus silay at preparation time para magpaganda. Malas mo, dahil nakikita mo lang siya dahil sa studies or requirement. Mahirap i-next level.

Third, schoolmate mo si Crush. Swerte ka dahil laging mini heart attack ang peg mo. Ito 'yung mga mala-tadhana moments na hindi naman kayo dapat nagkikita pero nagkita pa din kayo. Oo, paasahin ka lang niyan. HAHA! Joke. Malas mo dahil minsan di ka prepared makikita ka ng friend mo. Turn off kapag may ginagawa kang hindi kanais-nais nang makita ka niya.

Fourth, sikat si Crush. Swerte ka dahil most of the time nandiyan lang 'yan sa tabi-tabi. Tulad ng crush ko basketball player—ehem, ex-crush pala, ehem—ayun, schedule "meetings" kami. May time ako para mag-ayos. Malas mo dahil ang dami mong kaagaw. Madalas hindi ka pa mapapansin.

Weird talaga kapag nagkagusto ka sa isang tao. Minsan gusto mo lang sila physically, or may something sila na nagawa na natuwa ka lang na kahit hindi mo type 'yung physical bumawi naman sa attitude. It really doesn't matter kung paano mo sila nagustuhan.

What is good about having a crush is that most of the time people use them as inspiration to make their selves better. Tignan mo na lang si Nam at Shone (ano ba spelling no'n?) di ba? Ganda ng effect ng crush sa kanila. Sana gano'n din kami ni Ivo.

Oh, alam ko na sasabihin mo. "Akala ko ba tapos ka na kay Ivo?"

At heto lang ang sasabihin ko sa'yo: "Akala mo tapos na 'tong storya na 'to?"

Akala ko din tapos na eh.

Akala ko lang pala.

Pero mukhang hindi pa tapos ang kwentong 'to.


Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon