Imagination #12

1.1K 41 3
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Imagination #12

Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag isali sa kabuuan ng tunay na nangyayari.

Same day Chapter 22. Basketball game.

Okay, alam naman natin 'yung magical moment na nangyari sa huling chapter. Sabihin na lang natin na natuloy-tuloy 'yung biyaya ni Lord sa'kin at nakuha ko ang gusto ko.

Nang ma-out of balance si Ivo, hindi na niya nakuha ang balanse niya...

...dumiretso siya sa'kin.

I brace myself for the pain. Bakal ang bleachers kaya kung tatama man ang ulo ko sa susunod na hakbang, at least prepared ako. There's the sound of metal against flesh.

I can feel Ivo's body above mine, wet with sweat and warm blood rushing through his muscles.

Hinihintay ko 'yung sakit...

...pero hindi dumating.

Hanggang sa mawala na ang echo ng kung ano sa mga tenga ko at bukod tanging ang mabilis na paghinga lang ang naririnig ko. Bakit pati ang paghinga niya ang hot? Huhu. Killmehnaw.

Parang forever na kong nakakulong sa mga bisig niya bago niya ko binitawan nang kaunti.

Si Ivo.

All of Ivo is in front of me.

How...?

Nakakunot ang noo niya sa pag-aalala. "Okay ka lang?" tanong niya.

Nanakbo na yata ang dila ko kung hindi ko ito nalunok. Tumango lang ako sa kaniya at dumiretso ang isa kong kamay sa ibabaw ng ulo ko. Ang gulo yata ng buhok ko. Nakakahiya. Nagpabango ba ko kanina bago lumabas ng dorm? Alam ko oo eh. Hindi naman siguro ako amoy pawis?

"Okay ka lang talaga?" nakahawak pa siya sa likudan ng ulo ko. Kaya pala wala akong naramdamang sakit kanina. Kahit nasa peligro siya, naisipan niya pa kong protektahan. Enebee. Pero kung ganoon edi 'yung kamay niya...

Agad kong hinigit ito at tinignan. "Okay lang ba kamay mo? Oh my G! Nabalian ka ba?"

"Ha?" nagtataka niyang tanong at sinarado ang mga daliri niya bago ito binuksan ulit. "Mukhang okay naman."

"Lagot ako sa coach mo. Huhu."

Bigla naman siyang natawa. "Ikaw ang okay lang ba? Hindi ba tumama ulo mo?"

"Okay lang ako."

"Ayon, sorry talaga," pagngiti niya.

"Ayos lang."

Tsaka na siya humiwalay sa'kin. Hindi ko manlang naisip na ganoon na pala ang puwesto naming dalawa. Nakatuwad siya sa harap ko at ang tuhod niya ay nasa gitna ng akin at nakaliyad pa ko. Parang kakagaling lang namin sa kissing scene.

Ayie. Ano ba!

"Ivo!" sigaw ng matandang lalake kung saan nandoon din ang teammate. He is beckoning for Ivo to come over.

"Sure, okay ka ha? I'm sorry talaga."

"It's fine," sagot ko na lang.

"Uh, bawi ako. Tapusin lang namin 'tong game?"

"Hmm, may P.E. class ako eh."

"Phone," sabi niya at binigay ko sa kaniya ang cellphone ko. Nagpipindot siya at laking gulat ko na lang nang itapat niya ito sa kaniyang tainga. Saglit lang iyon bago niya ibinalik. "Kung hindi mo ko ite-text after ng class mo tatawagan kita. May number mo na rin ako. I'll see you later."

At doon na... doon na magsisimula ang lahat.

Wait for the continuation.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon