8- The case of letter J

21 3 0
                                    

Leila POV

Dahil na rin sa mga mysteries na nababasa ko, tuluyan na ng akong kinain ng sistema at sumama na rin sa pag-iimbestiga. I already observed the classroom but it didn't make any sense.

Napalingon ako sa pinto ng may pumasok na lalaking nasa mid-40's kasama ang iba pang mga lalaking may kanya-kanyang suot na badge na naka-suot ng blue polo. Saglit silang napatingin sa biktima at nilingon si William.

"Bata! Anong nangyari? Kumakain ako doon tapos meron na naman? May balat ka ba sa pwet? Ha? Bata?"

"Mr. Neds" may pagbabantang sabi ni William.

"At sino itong magandang dilag?"

Ako na ang nagpakilala.
"It's my pleasure to meet you po, I am Leila."

"Bakit ka nandito iha?"

"Di ko po ginulo ang scene kaya don't worry. Friend ko po ang victim."

"Anong pangalan ng biktima?"

"L-Leslie po. Electric guitarist ng Caesar band. Ang band namin." Sagot ko.

"Caesar band? Ka-banda mo rin ba yung namatay doon sa bar nung isang linggo?"

"O-Opo" bumalik sa ala-ala ko kung paano nagpaalam sa amin si Lester. Di ko siya mapapatawad kahit na anong mangyari.

"Anong pangalan noon?"

"L-Lorraine po."

"Hay nako iha bakit puro L ang unang letra ng pangalan niyo, L band na lang sana." I am thinking of the same suggestion too.

Tumigil na si Mr. Neds sa pagtatanong sa akin at hinarap niya si William.

"Ano?bata?suicide lang ba talaga ito?"

"Nah." Tipid na sagot ni William.

"Na-obserbahan mo na ba?"

"The victim's hair is messy. Her shoelace is missing. Her lipstick is a mess. I think she was abused sexually.There is also a blank paper here." Iniaabot ni William ang blankong papel kay Mr. Neds pero tinabig niya ito.

"Ikaw na magtabi niyan bata."

"Fine."

"Wala ka bang primary suspects na maiimbestigahan?"

"None."

"W-Wait William." Singit ko.

"Yes Lei?"

"Yung palda ni Leslie." Tinuro ko ang palda ni Leslie. May nakabukol kasi.

May nakuhang chocolate ata? Si William. Base sa hugis nito, I conclude that that was a home-made chocolate. Hindi maayos ang pagkakabalot.

"Mr. Neds, could you please check this chocolate at the laboratory?" Chocolate nga. Inaamoy ni William ang chocolate.

-----

Nandito kami ni William sa cafeteria. Pinakuha niya muna yung autopsy report ni Leslie sa mga pulis. Hinayaan niya munang i-examine yung chocolate na nakuha namin sa palda ng electric guitairist ng Caesar band.

"Ano na William?"

"I have my deductions but i'm not that sure."

"Share it. Please?" Nag puppy-eyes pa ako. I am not good in deductions so I better listen to this man.

"Pffft!! What's with your eyes? Is that the way how you ask for my deductions? Well, you're cute."

Namumula na naman ang pisngi ko. "A-Ano nga?"

"Hmm" uminon siya ng apple juice.

Tumikhim siya bago nagsalita.

"I think there's something in that chocolate that made Leslie drink a glass of water."

"Ano naman 'yun?"

"I don't know, were still waiting for the result." William rolled his eyes.

"Pero kung ganoon nga? Saam naman siya kukuha ng tubig?"

"Maybe the culprit offered a glass of water because he already know that there's something in that chocolate. The victim accepted the water and that's the time she collapsed but not that too much and the culprit took advantage of the victim."

"So, may something rin duon sa water?"

"Yeah."

"Bakit wala tayong nakitang glass of water kanina? Bubog or what? Di ba dapat maibabagsak niya iyon?"

"You didn't notice the floor, Lei." Umiiling na sabi ni William.

"Huh?"

"The floor is quite wet, the place where the victim is."

"Eh bakit walang basag na baso?bubog?"

"Dumungaw ako kanina sa bintana and there, I saw the pieces of glass." Di ako sanay na nagtatagalog itong Myriad na ito.

"So? Maybe hinagis ng suspek ang baso pagkatapos ni Leslie uminom? At doon nabasag ang baso sa ground floor?"

"Maybe, the culprit let the victim drink the glass of water. Pero hawak ng suspect ang baso para maitapon niya ito. The victim's uniform, the upper part, bandang leeg, is quite wet and I deduce that the culprit might have not held the glass carefully kaya nahirapan uminom ang biktima at may tumulong water sa uniform niya at may maaring nabuga niya ang water dahil sa nalasahang lemon juice kaya basa ang sahig."

Great!

"I already told Mr. Neds about my deductions and they are currently checking the pieces of glass."

"Paano tayo mabibigyan ng clues about the culprit? Ano pala yung tungkol sa knife?"

"The culprit used that knife to stab the victim multiple times. Her shoelaces, Lei, give me your deductions."

"Hmmm,mahirap tignan ang leeg niya kung may mark dahil halos duguan ito. Pero ano yung tungkol dun sa paper?"

"It's still a paper Lei."

I rolled my eyes.

"Lei, could you describe Leslie? Her favorites? Even the things or food she hated the most."

Buti na lang may naikwento sa akin si Divine.

"Ahhhm, gusto ni Leslie ng chocolates, pizza, spaghetti and chicken." Napatigil ako. Chocolates huh?

"The foods she hated the most? Lemon juice, apple juice, biko. Yeah."

Napahawak si William sa kanyang baba.

"Did you see Leslie before drinking a glass of Lemon juice?"

"Hey! C'mon why would she drink that if she hate that juice."

Nanlaki ang mga mata ni William at may kinakapa sa kanyang bulsa.

"Here, Lei!"

"Anong gagawin ko sa blankong papel na ito?"

"Please buy me a cup of coffee. The warm one. Okay? Please?" Inabot niya sa akin ang 20 pesos. Aba!?

"Please."

"Psh. Fine."

Naglakad na ako papuntang bilihan. Mas madali pag vending machine, pero kailangan mainit daw. Why would William drink this coffee? May iniimbestigahan pa siya.

Medyo mahaba pa ang pila kaya lumingon lingon muna ako sa paligid. Nakaagaw ng atensyon ko ang lalaking nagtatapos ng mga balat ng lemon sa basurahan at parang balisa at nanginginig. Lumapit ako saglit.

"A-Ah kuya? Para saan po yung lemon?"

Di niya ako sinagot. Tumakbo na siya. Pero buti nalang nasilip ko ang i.d niya. Jon Gonzales.

Bumalik na ako sa pila. Pagkatapos bumili, bumalik na ako kay William.

"Here.Psh" I rolled my eyes.

Itinapat niya ang blankong papel sa mainit na kape. And whoaaa! The letter is slowly appearing. It was letter:

J

UNSOLVED MYSTERIES: William MyriadWhere stories live. Discover now