Leila POV
Wala na ring kwenta kung a-attend pa kami ng klase ni William. Kaya masaya ako na napapayag ko siyang pumunta sa mall. Mas gusto ko ito para makapag-usap kami.
"Do you want to eat first?"
"Yeah. Nagugutom na rin ako."
Mas maganda makipag-usap kung puno ang big fat tummy ko. Kidding!
Pumasok kami sa isang restaurant dito sa mall. Tumawag na rin si William ng waiter para makapag-order kami. Mas masaya siguro kung nandito rin si Losti. But this isn't the time to be gathered as one. Lalo na't biglaan ang pagiging cold ni William sa akin.
Sa sobrang tahimik namin kumain ni william, nakabibingi na halos ang katahimikan. That's why I manage not to talk for a while. Pero dahil hindi ko na kinakaya ang katahimikan, naglabas na ako ng topic.
"A-Ah William, are you mad, angry or what? why all of the sudden?"
"Nah, I am just-"
"Leila!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. What is he doing here?
I can feel the tension between William and Maxwell. Galit ba si William kay Maxwell?
"Why are you here?" tanong ko.
"I saw you,destiny right? Pinagtagpo tayo dito para mag-date." saaad niya. Loko to ah!
"Back off dude, were here to discuss something." singit ni William.
"Ito ba ang pinagpalit mo sa akin Leila?"
"Di hamak na mas gwapo, matipuno at mas makisig ako dyan! Ang baba na pala ng taste mo!"
Di ko na siya naiwasang sampalin kahit pa marami ang nakamasid sa amin dito sa restaurant na kinakainan namin.
"Sino ba ang nag-iwan ha!? Papayag akong lait-laitin mo pero wag na wag mong idadamay ang mga malalapit sa buhay ko!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi mo ako pinakinggan Leila! Lasing ako noon."
"At ikaw pa ang may ganang magalit!?"
Di na dapat ako umiiyak pero kusa na lang tumulo ang luha ko. Masakit pa rin hanggang ngayon. They say 'First love never dies' but for my own point of view, it dies. It dies today.
Tuluyan na akong umiyak. Naramdaman ko na lang ang paghigit ni William sa braso ko kasabay ng paghila niya sa akin palabas ng restaurant na iyon.
Dinala niya ako sa di masyadon matao.
"Shhh, Leila stop crying. I'm here. I am sorry for being cold." Mas humigpit ang yakap niya sa akin.
"T-Thank you." Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.
"D-Di ka na galit?" tanong ko.
"I am not mad or angry, and will never be."
Once again, I hugged him.
"Come on, let's enjoy this, I'll treat you, let's enjoy the coolest games here." He is trying to enlighten the mood. Well, he's great.
Pinunasan ko na ang mga luha ko at ngumiti.. Hinawakan na ako ni William sa kamay at saka hinila papuntang quantum. Ang tagal na rin mula ng makapaglaro ako sa arcade.
Ang saya lang. Nakalimutan ko yung sakit na iniwan ni Maxwell nung niyaya ako ni William dito. Halos lahat ng section, tinira namin ni William. I enter this arcade emptyhanded but I exit here with a prize. A teddy bear and coloring pens!
"Saan naman tayo?" Tanong ko.
"Do you want to watch a movie?"
"A-Ah sige."
"Why you are stuttering? Don't you like it?"
"No, I am just thinking of a better plan." I said.
"What plan?"
"A-Ah movie marathon." Nakatungong sagot ko.
"Great! Come on."
Bigla niyang hinigit ang kamay ko.
"Saan tayo?" Tanong ko.
"Sa apartment mo. Saan pa ba?" Nakakaloko ang mga ngitian nitong Myriad na ito ah.
"Fine. Psh." I rolled my eyes secretly.
Then after that, pumasok na kami sa sasakyan niya. Pero nag drive-thru muna siya.
"What if we invite Losti as well?" Tanong ko.
Biglang kumunot ang noo ni William..
"Why? Bonding natin yun Leila."
"Eh nagbonding na tayo kanina sa arcade eh. Please."
"Fine. Call him. Ask him to bring snacks."
"Yes!thank you.."

YOU ARE READING
UNSOLVED MYSTERIES: William Myriad
Mystery / ThrillerJoin William Myriad together with his partner Leila Frances in solving cases and such. Together they are a crime solving duo that can't be beat.