Leila POV
Di maalis sa isip ko kung sino ang tinutukoy ni William. Nang tanungin ko naman siya na kung pwede ay bigyan ako ng clue, hindi naman pumayag at paulit-ulit siyang umiiling na parang sinasabing ayaw niyang sabihin ang nasa utak niya.
Hanggang pagpasok ko dito sa apartment, yun pa rin ang laman ng utak ko. Kung mag-iimbestiga naman ako, tanging hemlock lang at ang mga karayom ang magiging clue ko sa pag-iimbestiga at kailanman ay hindi magiging sapat iyon.
Iniisip ko nga na kung may nakakurba na pangalan sa mga karayom na iyon. Pero alam kong imposible iyon dahil sa liit non. Tsk!
Isasara ko na sana ang lock ng pinaka pintuan ng aking apartment ng makarinig ako ng maliit na kaluskos galing sa labas. Hindi ko tinuloy ang pagsara at binuksan ko ang pintuan. i expect that someone would knock and creep me out. Or perhaps, someone would interrupt me with his or her creepy sound. Or maybe, someone would left a letter, or perhaps, a box.
Pero wala,wala akong nakitang bakas ng kahit sino. Wala akong nakitang letter. Pero may naramdaman talaga akong kaluskos kanina at hindi ko alam kung saan galing iyon.
Pumasok na lang ako at nilapag ang mga gamit kong bitbit na hindi ko pa pala nalalapag mula ng narinig ko ang kaluskos.
Kinaumagahan..
Well, I must say, the fate let me woke up late. Fifteen minutes remaining bago magsimula ang klase. Nakatanggap ako ng iilang text galing kay William na nagsasabi at nagtatanong kung bakit wala pa daw ako. I didn't manage to answer that messages of him. Naligo na lang ako, at wala pa akong kain. Imagine the fifteen minutes remaining. Halos eight minutes lang ang nagamit ko sa pagligo. Geez! I hope perfume would work. This is the first time huh.
Agad akong nagbihis at saglit na pinasadahan ang sarili sa harap ng salamin. Sinukbit ko ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng apartment na ito.
Nagpapasalanat ako sa taxi na agad agad na huminto na para bang alam niya na sasakay ako. Wala na akong panahon na pumunta ng parking lot para kuhain ang kotse ko at magpatakbo, ipapark ko pa kasi yun sa Light at mas mapapatagal pa nun ang oras ko.
Pagkapasok ko ng taxi, sinabi ko kaagad kay manong kung saan ang lokasyon na pupuntahan ko at agad naman siyang tumango at nag-drive.
Ilang kanto na lang ay malapit na ako sa Light. Pasulyap-sulyap ako sa aking orasan para i-check ang oras. Three minutes remaininh and I would be late.
Nagpapasalamat ako sa natirang dalawang minuto. Sa pagdaan ng ikatlong minuto,huminto ang taxi sa harapan ng malaking gate ng Light Academy.
Iaabot ko na sana ang bayad ng naramdaman kong hindi iyon inaabot ni manong. Nakita ko siyang nagsuot ng black mask na natatakpan lamang ang kanyang bibig at ilong. Batid ko ang nakangiti niyang mukha base sa paniningkit ng mata nito.
Pagkatapos niyang, magtakip nag-spray siya ng something sa aircon pathway. Nakakaadik ang amoy kaya huli na para mahawakan ko ang pinto ng taxi at pipindutin ko na sana ng bigla akong hablutin ni manong. Kasabay noon ang pag-lock niya sa pintuan at ang pagtakip niya ng panyo sa ilong ko. Naramdaman ko ang nakakaakit ngunit nakakahimatay na amoy.
Bago ko isara ang aking mga mata at mawalan ng malay. Narinig ko pa ang huling sinabi niya.
No. Not again!
"Nabayaran, miss, siya ay si-"
Alam kong lumapit siya sa akin at bumulong.
No. Not again!
L-
Everything went black.

YOU ARE READING
UNSOLVED MYSTERIES: William Myriad
Mystère / ThrillerJoin William Myriad together with his partner Leila Frances in solving cases and such. Together they are a crime solving duo that can't be beat.