30

17 0 0
                                    

Leila POV

I could feel my cheeks burning. Still, William and I were holding hands. Nag-igting ang panga ni Maxwell ng makita kami. Habang si William, patuloy pa rin sa pag ngisi. Tsk! We decided to pursue everything. Kailangan naming maimbestigahan ito dahil masisira ang pangalan ni William bilang detective ng Light Academy.

Matapos kong kausapin si William sa ilalim ng puno. Minabuti naming balikan si Maxwell at yung girlfriend daw niya, though I am still unsure of it. Kaonti na lang ang estudyante dahil nag-ring na. Gosh! I would probably miss my lessons again.

Binitiwan ko na ang kamay ni William at bumaling na kami kay Maxwell na ngayon ay nakayuko. If he wants a justice for his girlfriend, then he should cooperate with us.

"What now?" takhang tanong ni Maxwell nang nakita niya kaming bumalik ni William, halatang iritado pa rin.

"Please cooperate with us." Saad ko.

"Why would I?" asked him.

"Pangalan ng school ang nakasalalay dito at isa pa kung gusto mo ng hustisya para sa GRILFRIEND mo, makisama ka sa amin." saad ko pa.

Tumungo ng bahagya si Maxwell at para bang suko na ito.

Napaangat siya ng tingin sa amin. "Alright, go ahead and investigate, I won't bother."

Napangiti ako at ganun din si William.

Muli kong pinagmasdan ang katawan ng babaeng walang buhay na naka ub-ob pa rin hanggang ngayon. Nanliit ang mata ko sa sunod na nakita.

"William." Tawag ko.

Lumingon siya sa akin at itinuro ko ang leeg ng dalaga. Kumunot naman ang noo ni William. Napalingon din doon si Maxwell na ngayon ay nakakunot na rin ang noo.

Lumapit ng bahagya si William sa leeg ng dalaga at inalis ang nakawalang mga hibla ng buhok nito para mas makita ng maigi ang leeg nito na parang pinagmulan nung mantsa ng dugo sa libro niya.

Saglit itong pinagmasdan ni William. Maya-maya, humablot siya ng panyo sa kanyang bulsa.

Nakita kong may kinuha siyang nakatusok na maliit na parang karayom sa leeg ng babae.

Inilahad nita ito sa akin. Nakagawian na rin ni William na ibigay sa akin ang lahat ng clues or evidences kapag may ganitong kasong kaming iniimbestigahan.

Mabuti na lang at lagi na akong may dala dalang ziplock at nakalagay sa bag ko. Mula ng sinimulan ni William na ipagkatiwala sa akin ang lahat ng ebidensyang nakakalap at nakokolekta namin, lagi na akong nagbabaon ng ziplock para hindi macontaminate ang anumang trace ng fingerprints sa mga ebidensiyang iyon.

Habang ipinapasok ko ang ziplock na ngayon ay pinaglalagyan ng karayom na medyo may bahid pa ng dugo, biglang may kumalbit kay William. Sinulyapan ko saglit ang babaeng abot bewang ang kulot na buhok at nanginginig sa takot.

"What happened?" I asked the girl.

"A-Ah.... yung b-babae po." She is stuttering.

Kumunot ang noo namin ni William.

Sa halip na dugtungan ang sinabi, itinuro niya ang sinasabing girlfriend ni Maxwell at pati ang pintuan at hallway patungong cafeteria. Naguluha  ako pero hinigit ni William ang kamay ko para pumunta sa cafeteria.

Narinig ko pa ang pagsigaw ni Maxwell na parang pinipigilan pa kami sa pag-alis. Alam kong hindi pa kami tapos sa pag-iimbestiga kaya dapat hindi pa kami umalis doon. Pero dahil hinigit ako ni William at pinapatay din ako ng kuryosidad sa babaeng lumapit sa amin kanina, napilitan kaming umalis doon at magtungong cafeteria.

Nang marating namin ang hallway, laking paaasalamat namin dahil madali kaming nakapunta ng cafetria dahil wala ngang mga estudyante, lahat kasi ay may klase. Pero ang ipinagtataka ko lang,bakit may campus police officer na nakabantay?

Agad kaming natigilan nung mga nakabantay na officers, pero nung sinilip namin ang kabuuan ng cafeteria, nakita namin si Mr. Neds kasama ang i...isa-...isan-

"Mr. Neds!" Tawag ni William.

Agad namang lumingon si Mr. Neds at sinenyasan ang mga nakabantay na officers na papasukin kami. Nag sorry naman ang mga campus police officers na iyon dahil hindi nila agad makilala si William.

Hindi na ako nagulat ng may panibagong biktima na naman. Isang lalaki ang naladapa sa sahig at may bakas ng duho ang kanyang leeg.

Agad kinuha ni William ang panyong ginamit niya kanina at may kinuha sa leeg ng biktima. Wag mong sabihin na-

"Here." Iniabot sa akin ni William ang isang kaparehong karayon na nakuha namin kanina. Isinilid ko ito sa panibagong ziplock.

"Kailangan nating ipa-test iyang karayom na iyan." Saad ni Mr. Neds ng tinitigan niya yung karayon na isinilid ko sa ziplock.

"You know Mr. Neds?" Nakangising tanong ni William kay Mr. Neds.

Tumaas ang kilay ni Mr. Neds kay William.

"We got the same needle a while ago." Tumango naman ako.

Bakas ang pagkagukat sa mata ni Mr. Neds.

"Ibig sabihin hindi ito ang unang biktima?" Iling-iling na tanong ni Mr. Neds.

I and William nodded.

"Sino ang salarin?"

UNSOLVED MYSTERIES: William MyriadWhere stories live. Discover now