32

19 0 0
                                    

Leila POV

Iniwan ko ang lalaking iyon at bumalik kung nasaan si William. Hindi ko malaman ang gagawin kung tatawa o maguguilt dahil sa araw na ito, tuwing nakikita ko si Maxwell, lagi aking nanakbo at iniiwan siya. Una ay doon sa girlfriend niya at pagkatapos ay iyong sa cafeteria.

Sumagi sa isip ko si Losti na yumakap sa akin kanina ng sobrang higpit. What happened to him and why all of a sudden? Why is he acting like that? Nagpakawala ako ng buntong-hininga sa iniisip ko. Dumagdag pa itong mga kasong kailangan naming imbestigahan.

Pagkarating ko sa bench na pinag-uupuan namin kanina ni William, nadatnan kong nakaupo pa rin doon si William at nakahalukipkip na naghihintay sa labas. How long would we wait for us to see the result of the test? Tsk! SIguradong mas mapapatagal pa ang paghihintay namin, dahil sa panibagong karayom na ito.

Habang palapit ng palapit ako  pakunot ng pakunot naman ang noo ni William habang nakahalukipkip na pinagmamasdan ako.

Napatingin siya sa dala-dala kong karayom na nakasilid sa panibagong ziplock. Kung hindi ko narealize ang pagkakaub-ob ng lalaking iyon sa library, di ko malalaman. Naiwan ko pa pala ang kawawang bangkay sa library. Tsk!

"Where did you get that?" Bungad na tanong sa akin ni William paglapit ko.

"Library." Tipid na sagot ko.

Bakas ko ang pagkairita sa mukha ni William. Sino ba naman ang hindi maiirita kung bubungad sa iyo ay tatlong krimen na magkakasunod at pare-pareho pang nahanapan ng karayom sa magkakaparehong anggulo sa kanilang katawan.

"I believe that it was the culprit who did that to the v-victims." Huh?

"It w-was the culprit who d-did that." Napasabunot sa buhok niya si William.

Lumapit ako sa kanya at hinagkan siya at hinaplos ang kanyang likuran, isunubsob niya naman ang kanyang mukha sa aking leeg.

"William, focus, control your emotion, we'll get through this." Alam kong nahihirapan na siya. Kaya naman patuloy lang ako sa pagyakap at paghaplos sa likod niya.

"Oh! What a scene!" Mabilis pa sa kabayo na kumalas kami ni William sa pagkakayap at nilingon ang lalaking nagsalita.

"L-Losti." Gosh! I was blushing.

Wala namang pakialam si William. Nanatili lamang siyang nakayuko at malalim ang iniisip.

Lumapit si Losti at tinapik ang balikat ni William. Bahagyang napatalon sa gulat si William ng tapikin siya nito. Medyo sinamaan ng tingin ni William si Losti pero tinawanan lamang diya nito. Oh how I missed this kind of scene. Losti, William and I.

Sumilip ang ngiti sa labi ni Losti ng humarap siya sa akin. He pinched my nose as he left us once again. What happened to him?

Namayani ang katahimikan pagka-alis ni Losti.

"Are you fine?" I asked William.

Tumango siya kaya niyakap ko siya sa isa pang pagkakataon. This time, mas mahigpit na. I don't know why did he reacted like that. But still, I need to comfort him.

Kung hindi lang tumikhim si Mr. Neds at nagsalita, hindi pa kami magkakalas sa pagkakayakap ni William. Agad naman akong tumungo at namula.

"Tapos na." Malamig na utas ni Mr. Neds at iniabot sa amin ang isang envelope na sa tingin ko ay ang resulta ng page-examine sa mga karayom na nakuha namin galing sa sunod-sunod na biktima.

Aabutin ko na sana ng nakarinig kami ng pagkabasag sa loob ng laboratory nitong school. Ipinasuri namin sa laboratory ng school na ito, ang Science Club na minsan na rin naming naka-imbestigahan.

Agad naming pinasok ang nasabing laboratory. Sana ay mali ang naiisip ko. Sana ay walang dumagdag.

Tumambad sa amin ang nakadapang laboratory staff. Siya siguro ang naiwang mag-isa dito. Siya rin siguro ang nag-examine nung mga karayom kaya naiwan siyang mag-isa.

Kahit naiirita at pagod na ang mga mata ni William, pinili pa rin niyang lumapit at pagmasdan ang staff. I can see on his eyes that he's now on serious yet tired mode.

Gaya ng inaasahan ko, inangat ni William ang ulo ng binata at napansin kong si Joshua iyon, ang president ng Science Club na minsan na rin naming nasamahan sa pag-imbestiga sa insidenteng pagpatay kay Luke.

Bakas ko ang pagka-inis sa mukha ni William habang dinadampot ang ikaapat na karayom at agad niya itong isinilid sa panibagong ziplock na iniiabot ko sa kanya.

I never thought that we would gain four victims in only two days.

UNSOLVED MYSTERIES: William MyriadWhere stories live. Discover now