Leila POV
Minabuti naming sumama kay Mr. Neds sa pagtest nung dalawang needle. Malaki ang pagtatakha ko kung bakit dudugo iyon ng ganoon karami kung karayom lang naman iyon.
"William? Hindi ka ba nagtatakha sa mga biktima?"
"What do you mean?" Kunot-noong tanong niya.
"Well, I was just wondering about the needle."
"Oh! What about the needle?"
"Kasi nga,karayom lang iyon, karayom! Maliit! Bakit dumugo ng ganon?"
"I don't know." Nagkibit-balikat siya.
Bumuntong-hininga ako.
Napagdesisyunan kong umalis muna at magtungo sa library para manghiram ng libro dahil wala na talaga akong magawa, at naiinip na rin ako. Dadaan na rin ako sa cafeteria para bumili ng makakakain.
"Restroom." paalam ko kay William. Panigurado kasing susundan o di kaya'y di ako niyan papayagan kapag pumunta ako sa ibang lugar maliban na lang sa restroom.
He nodded so I went to the Library.
Nasa hallway na ako ng nakasalubong ko ang nakahalukipkip na si Losti.
"Losti." Nakangiting tawag ko.
Ngumiti rin siya at niyakap ako. Gumanti ako sa yakap.
"Leila." Mas humigpit ang yakap niya. Di ko maiwasang di mapangiti sa inaasal niya.
"I miss you Losti." Humigpit din ako sa pagkakayakap sa kanya.
"I miss you too Lei."
Kumalas na kami sa yakap. Ang tagal na mula ng naka-bonding kosi Losti, kaya naman...
"Let's hang out next time." suggest ko.
"I want to, but i can't, I am sorry." Ngumiti siya pero alam kong hilaw iyon. He left me after uttering those words. What happened to him?
Pero medyo natagalan ako kaya dumiretso na ako papuntang Library.
Ramdam ko ang tahimik na paligid sa loob ng library, tanging aircon lamang at ang mga pagbuklat ng mga dahon ng libro ang tanging maririnig dito.
Lumapit ako sa librarian ipinakita ko ang aking library card at sinabing hihiram ako ng libro. Tumango siya at binigyan ako ng 30 minutes para hanapin ang librong gusto kong basahin.
Nagtungo ako sa pang-pitong shelf at laking gulat ko sa estudyanteng pumasok dito sa library para matulog at magaling siyang pumili dahil sa lugar kung nasaan ang ikapiting shelf, walang estudyante at tanging siya lamang na natutulog pa.
Nahanap ko na ang libro ko at ipinakita ang code number na nakainput sa cover ng book sa librarian. Tinanguan lamang niya ako at umalis na ako sa tahimik na lugar na iyon para magtungo ng cafeteria para bumili ng makakain.
Pagdating ko sa cafeteria, naabutan ko si Maxwell na tamad na kumakain. Well, di k siya masisisi, nawalan siya ng girlfriend eh.
Saglit lang niya akong sinulyapan at nagpatuloy na siya sa pagkain ng tamad. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mata at sa aura niya. Hapdi, lungkot, dalamhati, inis at galit, nakakaramdam din ako na gusto niya ng hustisiya para sa girlfriend niya. Makakaasa ka, Maxwell. Mabibigyan namin ng hustisya ang pagkamatay ng babaeng mahal mo. Maghintay ka lang, salamat dahil pinagkatiwala mo sa amin ni William ang pag-iimbestiga. Kung sana ay masasambit ko kay Maxwell ang mga katagang iyan ng harapan, gagawinko, pero wala pa akong lakas ng loob, pinanghihinaan pa ako.
"Leila." Malamig na tawag sa akin ni Maxwell.
Humarap ako sa kanya at lumapit, nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin. Anong nangyari? Bigla siyang naging emotional.
"I...want..you..back..." Tinulak ko siya palayo.
"Are...y-you insane!?" pagalit na tanong ko.
Inilahad niya muli ang kanyang braso at para bang gusto niya akong yakapin ulit.
"Stop there!" pinigilan ko na siya bago pa siya makayakap ulit sa akin.
Napaupo siya sa pagsigaw ko. Mabuti na lang at walang estudyante dito kaya kaming dalawa lang ang nandito. Tanging mga sttafs ng cafeteriang ito ang nakakarinig ng pinag-uusapan namin.
Tatalikod na sana ako ng bigla siyang sumigaw at sinabing...
"Then chase the justice for my girlfriend Amelia."
So Amelia pala pangalan ng babaeng unang naging biktima namin. Nagulat ako sa pagiging desperado ni Maxwell para sa hustisya sa pagkamatay ng girlfriend niya. BUong akala ko ay wala siyang pakialam.
"Iniwan niyo lang siya doong nakau-ob, akala ko iimbestigahan niyo!"
Hinarap ko siya. Iniwan namin si Amelia na naka ub-ob sa-... Naka ub-ob!
Ugh! Why so slow, Leila? I need to confirm! Iniwan ko na si Maxwell at ang cafeteria, di tuloy ako nakabili ng pagkain. Titiisin ko na lang kahit nanginginig na ako sa gutom.
Bumalik ako sa library ng humahangos at humihingal. Sinamaan ako ng tingin ng librarian at kunot-noo niya akong pinagmasdan na para bang takhang-taka siya kung bakit ang bilis kong bumalik.
Ipinakita ko ng mabilisan ang library card ko para mapabilis ang access kong makapasok sa loob ng tahimik na library na ito.
Bumalik ako sa ikapitong shelf ng mga libro dito sa library. Kung hindi ako nagkakamali...
Nilapitan ko ang lalaking nakaub-ob at saglit itong pinagmasdan. Itinaas ko ang ulo nito at hindi na ako nagulat sa sunod kong nakita.
Tama ako.
Kumuha ako ng panyo at ziplock.
YOU ARE READING
UNSOLVED MYSTERIES: William Myriad
Mystery / ThrillerJoin William Myriad together with his partner Leila Frances in solving cases and such. Together they are a crime solving duo that can't be beat.