Nalaman namin na isang detective pala si Venus sa Manila kagaya namin. Nagkataon lang na nandito si Venus dahil may kaso daw siyang inimbestigahan nakaraang linggo. Hindi ko alam kung anong klaseng krimen o kaso ang inimbestigahan niya pero masasabi kong magaling siya batay sa pagkwekwento niya.
Nagpapahinga kami dito sa cottage, layo sa sikat ng araw. Namumula na rin ang balat namin sahil sa pagligo kaya nagpahinga muna kamu dito.
"We'll go to that computer shop later." Ani William.
Sumang-ayon naman kaming lahat sa kanya.
"Venus." Pagtawag ko.
Kanina pa kasi ako nagtataka kung bakit niya alam ang tungkol sa game of shadows.
Napalingon naman siya sa akin habang hawak ang isang stick ng barbecue.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa game of shadows?"
Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko, ganun din ang mga taong kasama namin dito. Maya-maya napalitan naman ng nakakalokong ngisi ang kaninang kunot noong si Venus. Mas lalong nagpaganda sa kanya ang ngising iyon.
"Because that is a case and a mystery to solve, I find it interesting that's why I researched more about that game." Sabay kagat sa barbecue.
"Researched?" Pag-uulit ko.
"Actually, this isn't the first time." said Venus na ikinagulat ko at naming lahat.
"I encountered the same case last time when I was travelling."
Napalingon ako sa aking gilid. Laking gulat ko dahil sa nakikita kong Marjorie ngayon.
Napansin nina William at Losti ang pagtitig ko kay Marj kaya napalingon na rin sila dito.
Agad na inakay ni Losti ang nakatulala at pinagpapawisang si Marj. Natural na pagpapawisan siya dahil sa init ng panahon pero namumutla siya kaya alam kong may dinadala siya.
"What's the matter sis?" Nag-aalalang tanong ni Losti.
"My boyfriend died because of that game." Mabagal na saad niya na ikinagulat naming lahat maging ni Losti.
Magtatanong sana si William at Losti pero pinigilan ko sila. Mas mahihirapan si Marj kung pauunlakan pa namin siya ng mga tanong. Instead, I ordered Losti to let Marj rest on a hotel near the resort.
"What do you think?" Pagkaalis na pagkaalis ni Marj at Losti. Agad na nagtanong si William.
"I think that boyfriend of Marj answered a particular question from the server wrong." Iling-iling na saad ni Venus.
"Are you saying that she can't move on from that?"
"Probably." Said Venus.
Galing sa kabilang banda, agad na tumayo si Venus at tumabi kay William. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ba nila alam na nandito ako?
"Well it's not that easy to move on."
"Yeah." Nagulat ako sa sagot ni William.
"You're moving on?" Gulat ding tanong ni Venus.
"No." Natatawang saad ni William
Patuloy pa rin ako sa pag-iwas ng tingin.
Ngumisi naman si Venus sa naging sagot ni William. Napatingin ako sa dalawa.
Pumikit si William. Kasabay ng pagpikit niya ay ang paglingkis ng braso ni Venus sa braso ni William.
Nagulat si William kaya napadilat siya sa ginawa ni Venus at pasimple niyang hinahawi ang braso ni Venus sa braso niya.
YOU ARE READING
UNSOLVED MYSTERIES: William Myriad
Misterio / SuspensoJoin William Myriad together with his partner Leila Frances in solving cases and such. Together they are a crime solving duo that can't be beat.