Leila POV
Nagdaan ang araw at normal lang ang naging takbo ng oras at mas lalo kaming nag-ingat ni William. Nagulat din ako sa nalaman ko kay Divine. Akalain mong may maitutulong pala ang chismosa na iyon. Pero di ko pa rin maiwasang malungkot para kay Lester.
I and William are currently having our review here sa bench sa labas ng Light. Lunch break na at bumili lang kami saglit ni William ng pagkain tapos dito na namin kinain para daw makapagreview ako. Marami na rin kasi kaming na-miss na lessons ni William. Pagkatapos nung insidente sa bomba, minabuti naming humingi ng hand-outs at laking pasasalamat ko dahil pinayagan kaming makahingi ng copy kahit hindi kami excused. I bet it's because of William being detective here in light.
"Bakit kaya hindi natin puntahan yung lugar na iyon para kumpirmahin?" I suggested.
"Lei, we need to focus on our studies, though crimes might engage and destruct us." He uttered.
"Yeah, sorry."
Gusto ko kasing kumpirmahin kung totoo ba talaga ang mga sinabi ni Divine. Last time na nakausap ko siya, normal lang, nagkamustahan at tila nagtataka siya kung bakit hindi na kami tumutugtog. Hindi naman lahat ng chismosa nasasagap ang mga balita. Look, she didn't know that Lyndon and Libra was arrested.
Tinanong ko siya last time kung may balita about Lester. Nakulong daw ito ng apat na buwan, nasiraan daw ng ulo at nabaliw sa loob ng bilangguan. Siguro'y nagsisisi siya sa ginawa niya sa babaeng mahal niya-si Lorraine, ang babaeng pinatay niya kaya siya nakulong.
Hindi ako sigurado kaya gusto kong kumpirmahin. Ayaw naman pumayag ni William. I understand that he was just worried about our grades, well, di ko siya masisisi.
Ang nakakapagtaka kasi, kung nabaliw si Lester, bakit siya nakapagdala ng-
"Stop thinking about that, Lei, focus!"
Ugh! Fine.
Nag-ring ang telepono ni William.
"Oops, don't answer, sabi mo FOCUS!" I highlight the word focus and all I can do is to laugh with his sudden reaction.
Instead of laughing, naaninag ko kaagad ang lalaking kinaiinisan ko dito sa Light-Maxwell, palapit siya sa akin. Sumulyap ako kay William through my peripheral vision, and he is somewhat annoyed with the presence of Maxwell. Hindi kasi maganda ang huli niyang kita kay Maxwell nung nagpunta kami ni William sa mall.
"Leila." Maxwell.
Tinaasan ko siya ng kilay at agad siyang ngumisi.
"I would like to invite you for dinner, if it's okay."
Kumalabog ang dibdib ko. Hindi na dapat ako nakakaramdam nito. Hindi ko alam kung kaba o kilig ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pero bakit?
"Why?" Saad ni William. Gosh! He is now mad. Mamaya magalit na naman siya sa akin.
"Are you Leila? I am not asking you dude, so back off." Maxwell uttered as he rolled his eyes to William.
"Well, Leila and I will be having our dinner, so BACK OFF."
Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa. Hindi nila maiwasan ang magtaasan ng boses na isa't-isa kaya madali silang nakakaagaw ng pansin at ang iba ay napapatigil at pinagmamasdan silang dalawa.
Kwinelyuhan ni Maxwell si William. At bago pa niya ito masuntok, tinulak ko na siya kaagad para makalayo kay William dahil gumagawa na talaga sila ng eksena dito.
"Maxwell! Stay out of here! Nag-rereview kami. At may d-date kami mamaya ni William so BACK-OFF." Well back off will be the word of the day.
Nanlaki ang mata ni Maxwell at ganun din si William ngunit agad na ngumisi si Myriad. Tsk!
Saglit na nag-igting ang panga ni Maxwell at sinamaan ng tingin si William at bumaling ulit sa akin na may pagbabago sa ekspreyon. Pumungaw ang mata ni Maxwell as he uttered-
"You are going to be mine sooner or later." Then he winked and waved his hand as a sign of goodbye.
Natulala ako at bumaling kay William. Aba'y nakangisi.
"Come on, let's review."
"Yeah prepare for our DATE." Saad niya habang nakangiti ng nakakaloko.
I rolled my eyes. Tss!
"As much as I want us to have our dinner DATE. We can't, because as you wish, we will visit the headquarters to check for Lester."
Napataas ako ng tingin.
"Thanks."At nagpatuloy ako sa pagre-review.
YOU ARE READING
UNSOLVED MYSTERIES: William Myriad
Детектив / ТриллерJoin William Myriad together with his partner Leila Frances in solving cases and such. Together they are a crime solving duo that can't be beat.