Kulitan, asaran, kilig at tawanan. Ilan lamang iyan sa mga naranasan ko mula ng nakilala ko sina William at Losti. At hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko silang dalawa. Hanggang ngayon dito sa sasakyan, ganyan pa rin sila, parang bata. Tawa lang ako ng tawa.
"You know bro? Di ko alam kung tatawa ako o maaawa sa inaasal mo dati nung hemlock case, para kang pinagsakluban ng langit at lupa, pffft!" Pang-aasar ni Losti.
Sinamaan naman siya ng tingin ni William.
"Well, I was mad at you, a little bit."
"Oh!come on." Natatawang saad ni Losti habang nagda-drive.
"Thank you anyway." Said William.
Napangisi naman si Losti at ako naman kumunot ang noo.
"Why thank you?" Asked Losti.
"Because you let Leila hug and comfort me that time." Ngumisi si William.
Ako naman, ito at pakiramdam ko sinusunog ang aking pisngi sa kahihiyan.
Tumawa lang kami buong byahe at nakatulog na rin ako hanggang sa narating na namin ang napakagandang Baler.
"Wake up, sleepyhead."
Ramdam ko ang malambot na humahawak sa pisngi ko.
"Hmm."
"Wake up, Athena."
Napabalikwas ako at sinamaan ko ng tingin si William na humahagikhik sa gilid ko.
"Don't call me that way." I said.
"Fine fine, perhaps a baby will do." Natatawang saad niya.
"Psh! William just Leila, were not even a couple and stop calling me with that cheesy endearments."
Nanlumo si William sa sinabi ko. Lumabas ako ng sasakyan at tinawanan ko na lang siya.
Nilingon ko siya at para siyang estatwa na hindi makagalaw . Bago pa ako makatakbo papunta sa dagat, narinig ko ang pagsigaw ni William.
"I'll court you anyway!"
Napangisi ako.
Nadatnan ko si Losti na nag-iihaw. Inakbayan ko siya.
"Where is William?"
"Ayun." Natatawang turo ko kay William na nakabusangot na papalapit sa amin.
"I'll check in." Said William. Napansin ko ngang bitbit niya ang mga bagahe namin.
Nang nakaalis si William, naupo ako sa cottage kung saan nag-iihaw si Losti.
"Losti, saan tayo pupunta pagkatapos nito?"
"I don't know if we will stay here for a week, pero may plano si William na manood ng isang orchestra sa Manila next time pagkauwi."
"Orchestra?"
"Yeah, since ang tagal na daw nating hindi nakakatugtog."
"Tutugtog tayo!?"
"Sira!pfft hindi, we'll just watch and listen."
Tumango ako. Sabay ng pagtango ko ang pagbalik ni William.
"Losti, we'll eat that barbecue, after that were going to eat first on a catering here."
"Eat all you can?" Excited na tanong ko.
"Yeah."
Napapalakpak ako sa tuwa.
Nang matapos mag-ihaw ni Losti, kinain nga namin ang inihaw niya.
Papasok na rin kami sa isang eat all you can.
YOU ARE READING
UNSOLVED MYSTERIES: William Myriad
Misteri / ThrillerJoin William Myriad together with his partner Leila Frances in solving cases and such. Together they are a crime solving duo that can't be beat.