Leila's POV
Matapos ang insidente, napabalita sa buong city ang nangyari sa kalagitnaan ng orchestra.
Hindi nila matukoy ang pinagmulan ng bomba, pero alam namin iyon at lubos akong nalulungkot sa mga nalaman ko.
Sa sampung libong tao, 26 lang ang nakaligtas. Ang iba naman ay namatay, pero libo-libo rin ang di matukoy ang katauhan dahil sa labis na pagkasunog ng mga katawan.
Flashback:
"I am a secret agent, at hindi alam ni kuya ang tungkol doon." Umiiyak na sabi sa akin ni Marjorie.
Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang sasakyan na malamang ay sasakyan ni Marj. Dito ko nakita ang iba't ibang high tech na gamit na malamang ay ginagamit nila s kanilang mga project as agents.
Si William ang nagdadrive habang kami ni Marjorie ay nasa likod ng sasakyan. Samantala, umuwi na rin si Mary at ayaw nang makisama sa amin.
Patuloy na umiiyak si Marjorie habang hinihimas ko ang kanyang likuran dahil pati ako ay nahahahawa na rin.
"William, dalhin mo ang kotse sa apartment." Utos ko sa kanya at agad niyang niliko ang sasakyan.
Nang makarating kami sa apartment, agad kong binuksan ang pintuan habang inaalayan ni William si Marj papasok sa apartment.
Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng mga baso at malamig na tubig at inihatid kina Marj na hanggang ngayon ay umiiyak.
Naalala ko ang sinabi sa akin noon ni Marj sa Baler, noong tinanong ko siya kung ano nga ba talaga ang trabaho niya, naalala ko pa ang sinagot niya sa akin noon.
"It is something that is untold or somehow a thing that you should not spread throughout the society."
So she's an agent.
Nagsimulang magsalaysay si Marj habang umuupo ako sa tabi ni William.
"Isa akong secret agent, leading agent." Humihikbing panimula niya.
"Kailanman, hindi nalaman ni kuya ang pagiging agent ko.
YOU ARE READING
UNSOLVED MYSTERIES: William Myriad
Misteri / ThrillerJoin William Myriad together with his partner Leila Frances in solving cases and such. Together they are a crime solving duo that can't be beat.