Leila POV
Madali naming sinundan si Maxwell palabas ng cafeteria. Tuwing may nangyayaring ganito, di ko talaga maiwasan ang kabahan. Mula ng nakasama ko si William, madalas na akong kabahan. Hindi ko alam kong maganda o masama ang pakiramdam na iyon.
Huminto si Maxwell sa kumpulang nagaganap sa ground ng LA. Nahagip ng mata ko si Losti na nakahalukipkip at nanonood sa nagkukumpulan. Sinulyapan ko si William na pinagmamasdan ang pangyayari. He must be reading the lips of the students and observing the scene.
"Anong nangyayari?" Hinanap ng mata ko si Maxwell. Nahagip ko siya sa bandang gitna ng nagkukumpulang estudyante. Hinawi niya ng malalakas ang lahat ng nakaharang sa dadaanan niya. Nang nahawi niya ito, laking gulat ko na lamang ng makita ang isang babaeng prenteng nakaub-ob sa isang bench dito sa ground. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit siya pinagkukumpulan gayong nagbabasa lamang siya at nakaub-ob sa bench na parang nagpapahinga. Pinagmasdan ko ang babae, at nakita ko ang libro niya kung saan siya nakaub-ob. Mahirap alamin kung saan galing ang dugo dahil natatakpan ang babae ng mahabang buhok nito, isa pa, nakaub- ob ito kaya hindi ko makita ng klaro ang kanyang mukha.
Nagulat ako ng hinawi ni Maxwell ang buhok ng babae at itinaas ang ulo nito. Sinabunutan ni Maxwell ang kanyang buhok, he's now angry, i know. Sinulyapan ko si William na nakangisi, I know he is happy knowing that there are new case to solve.
Hinanap ng mata ko si Losti, pero parang umalis na siya, dahil hindi ko na siya makita. Lumapit kami ni William sa bench na piang-uupuan ng babaeng biktima maging ni Maxwell.
"M-Maxwell." I stuttered as I call his name.
Napaangat siya sandali ng tingin sa akin at saka nag-iwas ng tingin.
Sinilip ni William ang kabuuang mukha ng babae na nanatili sa pagkaub-ob. Alam kong wala na siyang buhay pero di ko pa rin maiwasang magtaka. Ngumisi si William sa nakita.
Narinig ni Maxwell ang pag-ngisi nito kaya sinamaan ni Maxwell ng tingin ang detective na nasisiyahan sa nakikita nito ngayon.
"What are you smirking at?" Galit na utas ni Maxwell.
"Well, I just deduced you a while ago and I was right, you have your girlfriend and she was now DEAD." Nanlaki ang mata ko.
"H-How did you know?" Batid ko sa mata ni Maxwell ang gulat, takot, pagdadalamhati at pagka-irita.
"I just know." Kibit-balikat na sagot ni William.
Sumingit na ako dahil baka kung saan pa mapunta itong sagutan na ito. "Do you mind if we could investigate this?"
Maxwell darted his sad eyes on me. "I heard about this man that he is the detective of this academy so why are you going to investigate as well? you are no-"
Pinutol ni William ang sinasabi ni Maxwell. "She is my co-detective, got a problem with that?"
Namula ako ng sinabi ni William ang mga katagang iyon. Pero hindi ito ang oras para sa mga ganoon.
"So? Why would I let you investigate the cause of my girlfriend's death?" tumingin si Maxwell sa akin pagkasabi noon. Umiwas ako ng tingin.
"Do not ever lay your finger on my girlfriend's cold body." Tumulo ang luha niya pagkasabi noon.
Dahil naiangat ni William kanina ang mukha ng babaeng sinasabi ni Maxwell na girlfriend niya, nagkaroon ng pagkakataon si Maxwell to cup his girlfriend's face. Patuloy ako sa pag-iwas ng tingin.
"We have the rights to investigate this because it happens here inside the Light." uttered William.
Hinila ko muna si William paalis sa bench na iyon. Hinigit ko ang kanang kamay niya papunta sa isang puno dito sa ground para kausapin siya saglit.
"William tawagan mo kaya si Mr. Neds para tumulong sa inyo dito."
"We can't."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni William. Alam kong nakita niya iyon kaya nagpatuloy siya.
"We cannot investigate that until Maxwell said so."
"Maybe, Losti could help." I suggested.
"Well, I doubt that."
"Pero paano?paano natin maiimbestigahan."
"Let's trust the fate,Lei."
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Why do you keep on smiling and smirking like that!?" Iritado kong tanong.
Mahina siyang tumawa at tumingin sa kamay niyan-
Agad kong tinanggal ang nakasalikop na kamay ko sa kamay niya. Gosh! I could feel my cheeks burning.
"Well, don't be embarrased." Saad niya at kinuha ulit ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.
"You are free to hold my hand because you are special, my princess." Saad niya at hinalikan ang kamay ko.
Namumula na talaga ako!

YOU ARE READING
UNSOLVED MYSTERIES: William Myriad
Mystery / ThrillerJoin William Myriad together with his partner Leila Frances in solving cases and such. Together they are a crime solving duo that can't be beat.