20

14 1 0
                                    

Leila POV

I am really overwhelmed after knowing that there are two handsome knights who will take care and they never cease to amaze me.

Losti, he really take care of me as if I am his younger sister. Nariyan siya lagi sa tuwing kailangan ko ng tulong. He was once my savior. Kung mag-alala siya ay parang wala ng bukas, but still he always make me happy. I am his little sister after all.

William, geez! He really cares for me knowing that he saw me as his princess. Kahit hindi maganda ang unang encounter namin, kahit minsan bully, kahit minsan masungit, still he is one of my knights.

I felt my cheeks burning. Sa iniisip ko, masyado na akong kinikilig. Hindi dahil may gusto ako sa isa sa kanila, kundi dahil -Ugh! Never mind.

Hanggang ngayon, nakaratay pa din ako rito sa hospital bed ng hospital na pinagtakbuhan sa akin. Si Losti, umalis na matapos niyang bayaran ang hospital bills... Nag-insist pa nga ako na utang ko sa kanya, at babayaran ko siya pay nakalabas ako. Pero sinabi niya na siya na lang na siya na ang magbabayad dahil wala na akong magagawa pa. Niyakap ko na Lang siya nung oras na iyon as a sign of thank you.

Si William, ayun kagaya din ni bro(Losti) nagpumilit din na siya na ang magbabantay sa akin. Prenteng nakahiga and naturingang detective ng LA sa isang sofa dito sa kwarto ko.

Bukas na ang labas ko. Actually, kahit isang araw lang naman daw ako dito sabi ng doctor, pero ito na namang dalawa, nagpumilit na patagalin muna para mas makapaghinga ako. Dadagdagan na lang daw ang bill kapalit ng tatlong araw kong pamamalagi dito.

Gabi na rin, at tulog na tulog pa rin si William. Pinakiusapan ko na lang kanina ang nurse na naka-assign sa akin para bigyan ako ng mga librong pwedeng basahin habang nandirito pa ako sa hospital. Mabuti naman at pumayag kaya hindi ako masyadong tinatamaan ng pagka-boring dito sa ospital.

Nakatapos na ako ng isang libro at tulog pa din si William. Di ko naman siya masisisi dahil gabi na rin at alam kong pagod siya sa pag-aalaga sa akin.

Dahil nagugutom na rin, tumayo na ako at bumili ng pagkain sa cafeteria dito sa ospital. Malakas na rin naman ako at pwedeng pwede na talaga umuwi.

Pagkapasok ko sa cafeteria, tumambad sa akin ang isang nurse na parang kasing-edad ko lang. Napansin niya yata ang suot kong hospital gown, kaya nagmadali siyang alalayan ako.

"No need na po, I can manage, bibili lang ako ng food." I uttered.

"Sure po kayo ate?" Tanong niya ng may mahinhin na boses.

"Yeah, don't worry. Si nanay na lang ang asikasuhin mo." Saktong may nakita akong matandang nakasakay sa wheelchair at pumasok dito sa cafeteria.

Napalingon naman ang nurse sa gawi ni nanay at lumingon ulit sa akin pagkatapos. "Ingat po kayo at magdahan-dahan ha?" Sabi niya sa akin.

Tumango na Lang ako at bumili ng ano pa ba? Apple juice! At cake na mababa ang sugar content.

Pagkatapos kong bayaran ang mga yun, nagpasya na rin akong bumalik at simulang ang pangalawang libro.

Pagpasok ko rito sa kwarto ko sa hospital, bumungad sa akin ang humahangos at nag-aalalang si William.

"Leila!" Sigaw niya nang nahagip ako ng kanyang mga mapupukaw na mata pagkatapos ako'y yinakap.

Nanlaki ang mga mata kong nagtatanong -"B-Bakit?"

"I thought you we're kidnapped or what. I thought you left me." Mas humigpit ang yakap niya.

"Hell no! Why would I leave you?"

"I am sorry, I over reacted, take a rest." Kumalas na siya sa yakap.

"Kakainin ko muna Ito." Hinarap ko sa mukha niya ang paper bag ng cafeteria.

"OK, let me join you"

"A-anong let me join you let me join you ka dyan, bumili ka dun!"

"Pffft hahahahaha OK OK."

Bumili siya ng pagkain at pagbalik niya sabay kaming kumain at nagpahinga na rin pagkatapos.

Kinabukasan.............

Maaga akong nagising at naabutan ko si William na tulog pa din.

Pumasok ang isang nurse at sinabihan akong pwede na raw akong lumabas.

Pagkagising ni William, sinabi ko agad, at siya na rin ang naghatid sa akin sa apartment.

Pagkarating na pagkarating namin ng apartment, tinawagan ko ka agad si Losti.

[Oh?how's my little sister?"] Batid ko ang pagngisi ni Losti sa kabilang linya.

[I am now perfectly fine. Thanks to you and William.]

[OK, I'll fetch you.]

[A-Ahh no need, Andito naman si William. So?]

[OK then, see you later. Take care. I'll text William]

[Pffft OK thanks bro]

Nilingon ko si William na nagtitimpla ng kape sa kusina.

"William, di ka pa uuwi? Maaga pasok natin ah?"

"Yeah, wait here OK?"

Tumango ako sabay ng pagbukas niya ng pinto palabas.

Light Academy

Pagbalik na pagkabalik ni William sa apartment, pareho na kaming sumakay sa kotse niya, then he became my driver.

Pagtapak namin sa big gate ng Light, kumpulan ng mga estudyante ang tumambad sa amin.

Dali-dali kaming tumakbo papunta ruon. Bungad ba ang krimen? Wag naman sana. Hays!

Laking gulat ko ng humarap sa akin si Crystal na namumula at nakahawak sa magkabila niyang pisngi. Cute!

"Crystal? Anong nangyayari!?" Sumisigaw na ako pero mas nangingibabaw pa rin ang bulungan at kaunting tilian. Ano bang nangyayari?

I know na hindi ako naintindihan ni Crystal kaya imbis na sumagot, kinaladkad niya ako papunta duon sa mga nagkukumpulan, nasaan na ba kasi si William?

Kabaligtaran ng inaasahan ko ang nakita ko.

Akala ko krimen.

Akala ko may namatay.

Akala ko may tumalon o nalason.

Ngunit..... . .

Isang di kanais-nais na tao ang tumambad sa akin.

"Leila, it's been a long time."

Geez!

UNSOLVED MYSTERIES: William MyriadWhere stories live. Discover now