"Anak lagi kang mag iingat doon ha." sabat ni Mama habang tinutulungan akong mag impake.
Natawa naman ako. "Ma, ako pa ba? Syempre po mag iingat ako." nakangiting sabi ko.
Naglakad ako at kumuha ng jeans, "Lagi kang kakain ng maayos at h'wag mag papalipas ha? Matulog ka rin ng maaga. Tapo—"
Tumawa ako habang naglalakad palalapit sa kanya at inakbayan si Mama. "Ma naman," nakangiti ko ng asik sa kanya. "Alam ko na po 'yan, parang ang tagal ko namang ma—"
Napahawak ako sa ulo ko ng batukan niya ako. "Ma naman!" sigaw ko at bumalik sa pwesto ko kanina.
"Aba'y! Sinisigawan mo ko?!" tanong niya rin.
Napalunok ako. "H-hindi po, sino ba 'yang sumisigaw sa'yo papatayin ko?" tanong ko.
Si Mama naman ang tumawa. "H'wag mahal ko 'yon 'no."
"Ayown! Mahal din kita Ma."
"H'wag ka ngang assuming! Hindi ikaw 'yon." saad naman niya.
"Ma..." pag mamakaawa ko.
"Joke lang." saad niya.
Pagkatapos nun ay lumabas siya at ako naman ay diretso pag impake ng mga gamit at damit.
Bagot akong bumaba ng taxi kung saan kami sumakay ni Mama, at ngayon nasa harap na kami ng eskwelahan na papasukan ko. "Ano nga ulit ang pangalan ng bago mong school anak?" tanong ni Mama.
Nagsimula kaming maglakad. "Freedom High, Ma." sagot ko.
Inalalayan niya ako. "Ke gandang eskwelahan, sayang nga at hindi ako nakasama sa pag enroll mo." sabi ni Mama habang patuloy kami sa paglalakad.
Mula rito ay nakita ko na ang eskwelahan. Nagpaalam ako kay Mama dahil na rin kay Manong Guard, tss. Kailangan na daw kasing pumasok.
Pumasok ako sa eskwelahan, kung saan ako ga-graduate. Bakit kasi kailangan pang pa-dormitory 'tong Freedom High? Bwisit!
Lakad lang ang ginawa ko at nakita ko ang mga titig ng estudyante, parang may pinapahiwatig na hindi ko mainitindihan. Nakakainis man, pero medyo creepy.
Tumingin ako sa kanila. "What are you looking at?!" inis na bulyaw ko sa kanila. Lumihis naman sila ng tingin at ang iba nagsi alisan. Ngumisi ako. "Ayun naman pala e, angasan mo lang okay na." bulong ko sa sarili.
Tuloy lang ako sa paglalakad ng may mga humarang na babae sa'kin. Pamilyar sila, pero hindi ko maalala.
"You're the new transferee right?" tanong nito. Nagtataray.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Namumukhaan ko. Hindi ko lang talaga maalala. Nightmare? Ha! Yeah.
"Jahari, natulala ata sa ganda mo." natatawang sabat naman ng isa.
"Well, Rhyne. Hindi mo na kailangang sabihin 'yan."
Napangisi ako sa sinabi nun. "Ganda? Saang paarte ng katawan mo ang maganda?" sabat ko at umirap sa kanila. Nagtuloy ako sa paglalakad kahit mabigat 'tong mga gamit na dala ko. "Kapal ng mukha." natatawang asik ko.
"Hey! We're not yet done!" sigaw nila.
"Wala akong pake." bulong ko.
Patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko naman alam ang lugar dito. Nakita ko na malawak ngang talaga ang paaralan na ito."Inis 'yan! Naliligaw ata ako," bulyaw ko. Linibot ko ulit ang paningin ko. "Sana pala nagdala ako ng blue print ng eskwelahang 'to," sabi ko habang naglalakad.
Patuloy lang ang pagmamanobra ng paa ko. "Woah! Nice!" sigaw ko, nakakamangha ang lugar na'to. May nakita akong fountain, pabilog ito at may dalawang pader na nakaharang papuntang gazebo. At sa paligid ng fountain, puro bulaklak. Ganda.
Humakbang ako. Susubukan kong pumaso— "Oh! Who are you?!" bulyaw ko ng may maramdamang humatak sa'kin at hinila papunta sa puno. Kung saan katapat ang garden. Hinampas hampas ko siya! Di ko makita ang mukha niya! "H-hoy! Sino ka ba?!" hinampas hampas ko pa rin siya! 'Yung bag ko nabitawan ko na dahil sa lalaking 'to!
"Tek-teka! Ang sa-sakit ha!" bulyaw nito at binitawan ako.
"Punyeta ka kasi e!" sigaw ko.
Humarap siya sa'kin. Wo— "Kabago bago gala agad ang inuna." usal niya habang hinahawakan ang braso niya. Nasa likuran ko siya.
Umirap ako, "Malamang bago nga diba? Kasi wala pa akong alam sa lugar na'to!" sagot ko.
Ngumisi siya sa'kin. "Hindi lahat ng lugar kailangan mong puntahan, naiintindihan mo?" maangas na tanong niya.
Lalo akong umirap sa sinabi neto. "Wala kang pakielam, atsaka hindi ako nakukuha sa ganyang pakiusapan." taas kilay na usal ko.
Sino ba 'to para pagsabihan ako ng ganito?
Humakbang siya palapit sa'kin, pero hindi ako nagpatinag. Nakatayo pa rin ako. "Ano bang klaseng usapan ang nais mo?" walang ganang tanong niya.
Sumilay ulit ako sa hardin na 'yun. Hinihikayat talaga ako ng lintek na garden na 'yun. Ano bang meron dito?
“Beware you are now entering hell.” Lumingon ako sa k—
Kumunot ang noo ko. "Asan na 'yun?" naguguluhang tanong ko. "Multo?" natatawang sabat ko. Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad patungong garden, pero may gate pala 'to. Hindi ko napansin! Siguro naging tutok ako sa pag tingin sa nakatanim na bulaklak. Tsk.
Malapit na ako at is— "What are you doing?!" bulyaw ng nasa likuran ko. Pero hindi ko pinansin.
Kinuha ko ang bag ko, at naglakad u— "Ano ba bitiwan mo ko!" sigaw ko na naman! Binuhat niya akong parang isang sakong bigas. "Bitaw!" pagmamatigas ko. Naglakad siya palayo sa garden na 'yun. "Hoy! Yung bag ko, de puta naman o!" bulyaw ko dahil biglang may humatak ng bag ko ng hatakin niya ko.
"Idiot, willing to sacrifice your life just to see that stupid garden." mahinahon na usal niya.
"Idiot?! Who?! Me?!" tanong ko.
"Yeah."
"Bwisit ka!" ani ko. At dahil sa inis na rin ng tawagin niya kong ganun ay sinipa ko siya... sa sikmura!
Ngumisi ako ng nabitiwan niya ako at dali dali akong tumayo.
"Jones, tsk! Okay ka lang?" tanong ng may hawak ng bag ko. Tinignan ko siya ng masama. "Bakit ka nakatingin sa'kin?" inis na tanong nito. Nakatingin lang ako sa kanya. Mata sa mata habang papalapit sa lalaki, at siya naman ay umuurong. "Sino ka bang babae ka?" tanong niya. Titig na titig ako sa kanya. Tignan natin kung kakayanin mo ang titig ko.
Tuloy lang ako sa pag atras at siya naman ay umuurong. "Don't you dare touch my things... again," seryosong sabi ko at padakot kong hinila ang bag na hawak niya. "Tapos na ako sa inyong dalawa, asshole." saad ko at naglakad na. Umiwas ako sa kanila at walang lingong lingon na umalis.
Gusto ko pa naman sana makapasok sa garden na 'yun.

BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019