25

19 0 0
                                    

"Awwwww."

"Araaaayyy!"

"Nakkoooo namaaaan!"

Inis kong tinigil ang pag pisil sa patilya nila. Tahimik lang naman ang dalawang nakatingin sa'kin.

Nawala ang tapang ng mga kumag, pero sa patayan napaka galing!

"Isa pang pang aasar at pangbabastos sa'kin. Tanggal 'yang patilya niyo." banta ko.

Kita kong pinapahid pa rin nila ng kamay ang patilya nila. Namumula na rin iyon.

Pero naiinis talaga ako!

"A-anong pangbabastos dun—"

" 'Wag ng sumatsat pa, tanggal patilya niyo sige." anas ni Leyn.

Napatango ako at sinamaan na naman sila ng tingin. Nakaupo na kaming lahat at tinigil na rin ang takbuhan at habulan. Nakakapagod rin kasi. Ang lakas lang talaga ng sapi ko kanina at nagawa ko 'yun.

Pero hindi naligtas ang tanong ni Joles sa'kin. Sinamaan ko ng tingin si Riel na nakatingin na sa'kin at parang nagmamakaawa. Nagmamakaawa ng 'wag ng gawin ulit iyon sa kanya.

"Binastos lang naman ako ng isa diyan." pagpaparinig ko.

"Tarantado ka talaga Riel." asik ni Vouhn at kinutusan si Riel.

Kita ko ang pag ilag ni Riel kaya naman si Leyn na ang bumatok sa kanya. Ang katabi niya. "Batukan din kita diyan e!" sigaw naman ni Riel kay Leyn.

Nagtama ang paningin namin ni Leyn. "W-wren o, inaaway ako. Binatukan ko lang naman siya kasi hindi siya nabatukan ni Vouhn." parang nag susumbong na bata si Leyn.

Umirap ako at nagpatuloy na lang sa pagkain. "Mga bata, 'wag kayong ganyan," asik ko at pinigilan ang pagtawa. "Masama ang nakikipag away." anas ko at hindi ko mapigilang hindi tumawa.

"Masama daw pero siya ang nagsimula."

Nawala ang ngiti ko.

"Hala!"

"Hehehehe. J-joke lang."

"Bwisit ka naman Joles."

Tinignan ko sila. Halatang nag aalinlangan ang mga 'to. Kung tatakbo ba o mananatili lang dito.

Napailing ako at tumawa. "Sorry kanina."

Napangiti naman ang iba at natawa na lang. "Apology accepted." asik ni Zame.

"Hindi wala, walang apology accepted." maktol ni Joles.

Napairap ako. Aambaan ko na sana siya ng may marinig kaming malakas na balibag.

"OPEN THIS FUCKING DOOR!"

Nilingon ko ang nasa baba. Marami sila. Pati ang ibang estudyante nakasilip na sa mga bintana.

" 'Yung kabilang grupo na and'yan." rinig kong nagsalita.

"Hoy Double V buksan mo 'yan, ikaw nag utos."

Nilingon ko ang nagsalita nun. "Double V?" tanong ko, naguguluhan.

Sino namang double V?

Nginitian ako ni Leyn at ngumuso sa isang nakaktayo.

Si Vouhn?

"Vouhn Velasquez, kaya double V hehehehe." tawa niya pa.

Tunango ako. Tinignan muli ang nasa baba. Sa second floor. Andoon sila sa kabilang side. Nakikita ko mula dito ang lalaking kumakalampag.

"OPEN THIS FUCKING DOOR!" pang uulit niya pa.

Nilingon ko sila ng walang kumilos sa lima. "Bakit di niyo pag buksan sila Jones?" tanong ko. Hindi nila pinagbubuksan ang mga 'yun. Halata namang nagugutom na sila.

"DAMN IT! OPEN THIS DOOR!" nanggigil na naman na sigaw ni Jones sa baba at kinalampag ang pinto.

"Hayaan mo siya, kaya na nila 'yan." sagot ni Zame at umupo.

Taka kong nilingon ang nga 'yun ng isa isa silang umupo. "H-hoy! Hindi niyo ba sila pagbubuksan? Gutom na siguro 'yung ibang estudyante." ani ko habang nakaturo sa baba.

Kita ko kasi ang ibang estudyante na nagugutom na. Halata sa pagmumukha nila.

"Kaya na ni Jones 'yan. Kunyareng hindi kaya buksan pero kaya naman niya." usal naman ni Leyn.

Kumunot ang noo ko.

Pinagsasabe nito?— ako na nga lang.

Tumalikod ako at nagsimula ng maglaka—

"Saan ka pupunta?" tanong ni Vouhn ng hawakan niya ang braso ko.

Tinignan kong muli sila Jones na nasa baba. Tahimik lang sila at nakatingin dito— bakit ang sama ng tingin niya?!

"Ako na lang ang magbubukas, ayaw niyo namang pagbuksan—"

"Hindi, dito ka lang." maawtoridad na sagot niya.

Kumunot ang noo ko. "Baka magalit sa'tin." anas ko pa.

Naisuklay niya na lang sa buhok niya ang isang kamay niya na hindi nakahawak. "Look, he's angry right now. Hindi mo magugustuhan ang responde niya sa—"

"Ha?" takang tanong ko.

Kung galit na naman pala, edi baka lalong magalit kung hindi pagbuksan ng pinto.

Bumuntong hininga ako at tinanggal ang kamay na nakahawak sa braso ko. "Hindi 'yan akong bahala." asik ko at naglakad.

"Tsk. Bakit mo pinaalis?"

"Hindi mo alam ang pwedeng gawin ni Jones."

"Tangina, sundan na lang." rinig kong  sabatan nila.

Hindi ko na sila inintinda pa at nagpatuloy sa pagbaba. Ramdam kong may mga sumusunod sa'kin. Pagbaba ko nakita ko sa kabilang bintana ang iba pang mga estudyanteng naka abang.

Bumuntong hininga ako at lumiko. Kita ko si Jones at ang mga kasama niya. Bagot silang nag aantay habang si Jones naman ay parang apoy na nagliliyab ang mga mata. Tinignan ko si Bryle ng makita sumesenyas siya. Si Henry na pinapatigil ako. Si Rij na kunot ang noo. Si Jay na parang nag aalala— kalokohan!

Gumilid ako at binuksan ang pi—

"Wren sandal— shit!"

"Gago ka!"

"Tangina!"

"Tabi!"

"Shit! Wren!"

Matinis na ang ingay ang bumabalot at nagtatagal sa tenga ko. M-masakit! D-di ko kaya! Parang wala na akong naririnig. Dumodoble na rin ang paningin ko dahil sa lakas ng impact nu— na-nahihilo ako.

N-nyemas!

Bago pa ako makapikit bumagsak na ang katawan ko sa sahig. Ramdam kong may mga umaalalay sa'kin. Alam kung marami sila— pero hindi ko kaya. Nanlalabo na talaga ang paningin ko at hindi pa rin makawala sa pandinig ko ang matinis na tunog na 'yun.

"N-nahihilo ako..." at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon