24

29 1 0
                                    

Nakatingin lang ako sa maraming tao. Mga estudyanteng nasa gilid at mga nagbubulong bulungan. Anong tinitignan nila? Dumadaan lang naman kami. May masama ba doon?

"Why her?"

"Hala. Bakit kasama niya 'yan?"

"Seryoso?"

"Lakas talaga ng loob ng babaeng 'yan a."

Lumingon ako sa mga taong malalakas ang bulungan. "Ang sarap niyo tahiin sa bibi—"

"Leave."

Napairap ako ng sumingit sa usapan si Jay. Muli kong nilatag ang mga mata sa mga babaeng umalis.

"Maka chismis kala naman ni—"

" 'Wag mo ng patulan." anas na naman niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kita ko pa rin ang mga tinginan ng karamihan. Mga nagbubulungan, nag iirapan at ang iba ay tumatawa.

Sarap nilang sabunutan.

"Iba na ang daan ko." tinignan ko si Jay ng muli na namang magsalita. Nakatingin siya sa'kin. "Mauna ka na." sabat niya pa.

Tinignan ko ang dinaanan namin. May daan sa kanan, harap at kaliwa. Tumango ako. Diretso lang ang daan. "Sige. Salamat." sagot ko at naglakad na.

Bumuntong hininga ako. Hindi na pinansin pa ang mga taong nakatingin sa'kin. Gusto ko ng maka uwi ng dorm. Gusto ko ng humilata sa malambot kong kama. Nakakakapagod din pala ang maglakad ng ganoon kalayo. Actually hindi siya ganun kalayo para sa—

"Where have you been?"

"Fuck—"

"Bunganga."

Inis kung tinignan ang mga taong nasa harap ko. Inirapan ko sila at bumuntong hininga.

Easy, kalma.

"E bakit ba kasi kayo nanggugulat?!" inis na tanong ko.

Kita ko ang paghinto ng ibang estudyante. Nagsitinginan sila at ramdam kong nagbubulungan na ang iba.

"Kanina ka pa namin tinatawag."

"Masyadong kang tulala."

"May iniisip ka ba?"

Napapikit ako at humugot ng malalim na buntong hininga. Dumilat ako at pilit na nginitian sila. "Anong kailangan niyo?" kalmadong tanong ko.

Sagutin niyo lang ako ng maayos, okay na ako. Di ako magsusungit promi—

"Meron ka ba? Baki—"

"Anong kailangan niyo?" pang uulit ko pa, nagbabadya.

Kita ko ang pagkamot niya sa ulo. Napapalingon na rin siya sa mga kasamahan niya.

Humihingi ng tulong ang kumag!

"Hehehehe. A-ano kasi Wren, gusto mong kumain?"

Tinignan ko siya... sila. "Ano bang kailangan niyo sa—"

"Daming satsat. Sumama ka na lang."

Inis akong lumingon doon. Siya 'yung lalaking nasa rooftop. 'Yung diniinan ang braso ko at 'yun ay ang mga natamo kong sugat kala Jeminah. 'Yung lalaking nagtanong sa'kin kung isa akong espiy— nyemas! Espiya? Tanga ba siya? Edi sana marami akong gadgets.

"Lyrex naman e."

" 'Wag ka na kasing maingay."

Muli akong tumingin sa kanilang apat. Andito si Riel, Joles, Leyn at ang Lyrex. Hindi ko sila close, pero isa lang ang taong matagal ko ng nakakausap. Ang pinagkakatiwalaan ko.

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon