19

26 1 0
                                    

Monday na. Wala naman kaming masyadong ginawa ng linggo, hindi rin namin nakita 'yung mga babaeng bumugbog sa'min ng sabado. Tsk. Mga nagtago ang wala.

Kung talaga may laban sila dapat lumabas sila kahapon, psh. Magaling lang talaga sila kapag walang laban ang target nila.

"Wren!"  tinignan ko ang tumatakbong papalapit sa'kin.

"Hep! 'Wag kang lalapit!" sigaw ko at kinumpasan pa siya. "Distance!" anas ko pa.

Napakamot siya sa ulo niya ng makita niya akong ganun. "Wren naman. Bakit? Tsk. Pansi—"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay dumiretso na ako sa paglakad. "Woi! Bakit mo ko iniiwasan?!"

Napailing ako. Kahit kailan talaga. "Psst. Hoy!" bulyaw niya at rinig ko ang mga yabag niyang patakbo. Nagmadali ako sa paglalakad, hindi niya dapat ako makausap, malapitan... ni kahit anong oras. "Wren."

"Uy! Hehehe!" pasimpleng anas ko ng hilahin niya ako. "B-bakit Bryle?" tanong ko. Iniiwasan ang mga tingin niya. Sinipat niya ang kabuu— "Manyak ka na naman!" asik ko at pinagkrus ang kamay sa bahagi ng dibdib. Tsk. Cassonova pa naman din.

"H-hindi a. Psh bakit mo ba kasi ako iniiwasan?"

"Kasi ito 'yung pag— Aish! W-wala." sagot ko na lang at iniwasan ulit ang tingin niya. Gosh! Help, ng maka alis ako sa kanya.

"Sigurado ka?"

"Sigurado pa sa sigurado, sige paalam." ani ko at mag—

"Hindi pa ako tapos," napapikit ako ng hilahin niya ako. " 'Wag mo na kong iiwasan simula ngayon, naiintindihan mo?"

A-ano daw?! Anong meron ngayon sa mundong inaapakan ko?

"Uy!" bumuntong hininga ako. S-salamat. "Ikaw pala Wren."

"Hmmm. Henry," tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa'kin. Tinignan ko muna si Bryle at ng hindi siya makatingin ay sumenyas ako kay Henry. Tinuro ko si Bryle at sinenyas na umalis na sila.

"Ha?" saad  niya na walang boses.

Inulit ko ulit 'yun ng hindi pa rin nakatingin si Bryle dahil may kumausap sa kanya. Sinenyasan ko ulit siya. Kumunot lang ang noo niya.

Bumuntong hininga ako. "Si Bryle," saad ko habang tinuturo si Bryle. "Pati ikaw, umalis na." sabat ko ulit at tinuro siya tapos kinumpas ko ang kamay ko na naglalakad. Pinagdikit ko ang dalawa kong palad, nagmamakaawa.

Ngumiti siya sa'kin at umiling. "Miss," puna niya sa kausap ni Bryle. Tumango lang ako, sana umalis na kayo. "Aalis na kasi kami ni Bryle." saad niya pa at umakbay kay Bryle.

Bumuntong hining ako. Salama— "Sige Henry una ka na."

Pinanlakihan ko ng mata si Henry. Hindi pwede. "Tsk. Magsi-cr ata 'yan e. Lika na mamaya na kayo mag usap pag nasa room na kayo."

Napatingin sa'kin si Bryle. "Ye-yeah. Pu-punta akong comfort room." sabat ko at umatras na. Nagpasalamat ako kay Henry na patango.

Woah! Tangina! Nauutal pa ako doon ha!

Tsk. Nice act. Hindi naman talaga ako naji-jingle e, iba kasi magpalusot si Henry, nakakagago. Dumiretso ako ng room... room niya.

"What are you doing here?"

"Oh?"

"Tsk."

"Hayy... Ilang weeks na pero hindi pa ri—"

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon