34

15 0 0
                                    

Gusto ko ng lumabas ng eskwelahan na'to. Gusto ko ng makatakas dito. Ayoko na sa pamamalakad nila. Pero wala akong makagawa!

Tuluyan ko ng iniiwasan ang dalawang grupo- hindi dahil sa nandidiri ako sa nalaman ko, kundi ayoko silang mapahamak sila. Ayokong mapahamak sila dahil sa'kin.

Ayoko ng may nadadamay dahil sa'kin.

Binuklat ko ang librong hinanap ko. Naku curious ako sa kinwento sa'kin ni Alynette. Tungkol kala Rylan.

Pentagon, ang title ng libro. Napangiti ako. Sana ito 'yung sinasabi ni Alynette.

Love will collide, friendship will apart.

Ito siguro 'yung part na nainlove si Garus kay Rylan, at ang pagkakaibigan nila ay magkakaroon ng problema.

"H-ha?!" taka akong tumingin sa susunod na pahina. "B-bak-" hindi kk na tinuloy ang sasabihin ko.

Bakit walang sulat?! Bakit walang laman? Puro bond paper lang.

"Bwisit." asik ko at dahan dahang lumingon sa mga taong nandito.

Ako lang mag isa sa lamesang 'to. Alam kong iwas sa'kin ang mga tao dahil painugaradong alam na nila na dikit ako sa dal'wang grupo.

Heck! Hindi na ngayon!

Bumuntong hininga ako at dahan dahang inilagay ang libro sa bag ko.

I want to confirm it with the help of Alynette.

Gusto kong malaman kung bakit nagawa niyang ikwento 'yun kahit wala naman talagang naka sulat sa libro.

Hindi ko na pinansin ang mga estudyante tumitingin sa'kin ng tumayo ako. Unti lang naman talaga ang tao at kung sasabihin, mga nerds lang ang karamihan na nandito.

Lumabas na ako ng library at diretsong bumaba ng hagdan.

"Grabe, patay na rin pala 'yung mga kasama ni Jeminah."

"Talaga?"

"Akala ko si Jeminah lang, pero isusunod din pala ang lima."

"Alam ko, nirape si Jeminah at pina-"

"Shhh. 'Wag kang maingay baka may makarinig."

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pinag uusapan nila. Nagtago ako sa gilid ng pader at nakinig.

"K-kasalanan 'to ng bagong pasok dito."

" 'Wag kang maingay, pag may nakarinig sa'tin siguradong patay tayo."

"Aish. Totoo naman kasi, kasalanan nung bagong lipat na 'yun- Wren ata ang pangalan nun e."

"Oo I know, siya lang ang dahilan kung bakit nama-"

"Hayaan na natin, mamaya dalawin tayo nung lima e."

"Ang creepy mo."

Nanlumo ako sa mga narinig ko. Talaga ngang namatay sila? A-ano naman ang dahilan ng apat? Bakit pati sila pinatay? At sinong may gawa?

Sila Hade? Sila Jones?

"Aish. Totoo naman kasi, kasalanan nung bagong lipat na 'yun- Wren ata ang pangalan nun e."

"Oo I know, siya lang ang dahilan kung bakit nama-"

Tumatak sa isip ko 'yung sinasabi ng dal'wang babae.

Tama! Kasalanan ko, pero hindi naman ako nag umpisa!

Hindi ako dumiretso sa classroom. Dumiretso ako kung saan nakakulong ang lima.

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon