08

27 1 0
                                    

Bagsak akong humiga sa kama ko at tinitigan ang ceiling fan. Andito na ako sa dorm at inaantay ko na lang dumating ang babaeng kasamahan ko dito.

Ngayon kailangan ko ang kadaldalan niya.

F L A S H B A C K

Tumingin ako kay Riel, 'yung kausap ko ngayon sa rooftop. "Bakit kailangan kong magpalit ng pangalan?" pag uulit na tanong ko.

Ngumisi siya sa'kin. "Tignan mo gusto mo rin pala." natatawanag anas niya.

Mataman ko siya tinitigan. "Gusto ko na nga kasing umalis sa eskwelahan na'to." sagot ko. Kahit hindi niya tinatanong.

"Wren, hindi ko tinatanong." pangbabara niya sa'kin.

"Sinasabi ko lang 'to sa sarili ko." palusot ko.

Bwisit! Pahiya pa ako.

"Hahahahaha! Wala ka ng kawala sa eskwelahan na'to. Wren." nakangiting saad niya.

Pumeke ako ng tawa. "Ha-ha-ha! Walang kawala? Edi wow!" bulyaw ko sa kanya.

Tinignan ko siya at ngayon ay sumeryoso siya ng tingin sa'kin. "May pinirmahan kang kontrata diba?" tanong niya. Tumango ako. "Binasa mo?" tanong na naman niya. Umiling lang ako. "Hayyy... Nako Wren!" bulyaw niya.

"Bwisit ka! Ang ingay ha! Peste naman kasi, syempre hindi ko na binasa nakakatamad kaya. Feeling manager 'yung Dean e ana?" bulong ko sa huling sentence.

"Bakit hindi mo binasa?" tanong  na naman niya.

"Bakit ko naman kasi pag aaksayahan ng oras 'yun diba?"

"Dahil d'yan hindi mo naisip ang mangyayare sa'yo dito." paliwanag niya.

"Bakit ano ba kasing mangyayare sa'kin dito?" tanong ko.

Rinig ko ang pag bumuntong hininga niya. "Darating din ang araw na malalaman mo kung anong pinasok mo." ani niya.

"Bwisit! Pa inosente pa e!" bulyaw ko ng hindi niya pa diretsuhin ang sinasabi niya.

"Basta! 'Wag kang magtitiwala sa iba," sabi niy— "but you can trust me," saad pa nito.  "Ngayon, anong pangalan ng magulang mo?" tanong na naman niya.

Bumuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. "Ikaw na ang nagsabi, trust no one," seryosong usal ko. "At kahit isa hind—"

"Then what are you planning to do?" tigil na tanong niya sa'kin.

"Pupuntahan ko ang Dean ng eskwelahan na'to." sabat ko.

"Kuhain mo na rin ang pinirmahan mo." usal niya.

Kumunot ang noo ko. "Para saan na naman?"

"Para maiba ang pangalan mo." saad niya.

"Hindi ko na naman kailangang ibahin ang pangalan ko, dahil wala rin namang mangyayaring maganda." seryosong paliwanag ko.

Masamang mangyayare?

"May mga ideya ng bumubuo sa isip mo," nakangising usal niya. "Basta kahit anong mangyare, kapag may sinabi siya sa'yo 'wag mong ipapakita ang ekspresyon mo dahil doon mas ginaganahan ang Dean."

Tumayo na ako at naglakad. "Lalaki. Susubukan kong magtiwala sa'yo, pero once na traydurin mo ko, magkakaalaman tayo." banta ko.

"Hindi ko hahayaan 'yun Wren."

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon