Tulala akong pumasok sa SHSA, wala akong gana pero kailangan. Ibang eskwelahan 'tong pinasok ko hindi sya ordinaryo kaya kailangan kong mag ingat.
Kung kapatid nga talaga ni Alynette si Riona Carter ang Queen B ng dating pinapasukan ko di hamak na may katulad sila ng katangian pero sa nakikita ko kay Alynette, mabait siya. Tsk. Kikilalanin ko 'yung babaeng 'yun ng mabuti. Looks can be decieving ika nga nila. Malay ko bang mas malala pala siya kay Riona. Pero paano nakapasok dito si Alynette kund andon sa labas si Riona? Paano na— Hay. Bakit ko ba iniisip 'yung dalawa na 'yun?
"Ms." nagulat ako ng may sumigaw kaya na—
"Hahahaha!"
"My gosh hahahaha!"
"Epic!"
Napairap na lang ako ng marinig ang mga tawa ng kaklase ko. Hindi naman talagang sigaw 'yun sadyang lumapit lang ang guro sa'kin. Nilibot ko ang paningin ko nasa upuan na pala ako at lahat sila nakatingin sa'kin.
"Ms." napatingin ako ng nandoon na siya sa unahan.
Tulala pa Wren.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Tinatanong mo kung anong pangalan ko?" taas na kilay na tanong ko.
Kita ko siyang ngumiti. "Pwede ko bang malaman?" tanong niya.
Napangisi ako sa sinabi niya. "Diba dapat alam mo dahil guro ka dito?" tanong ko.
Sumilay ang ngiti ng guro na nakapag pairap sa'kin. "Hahahahaha! Hindi mo ba talaga kilala ang guro na 'to?" tanong na naman niya. Tsk. Siya 'yung teacher na sinagot ko dahil sa pag kawalang respeto ng iba.
"Ang tanga naman," bulong ko. Umiwas ako ng tingin.
Isa lang Wren, magpapaubaya ako.
"Sige na Sir magpapakilala na ako." buntong hininga na saad ko.
Rinig ko ang pagtawa niya. Parang akala niya siya ang super duper winner dito ah. "Okay, proceed," sabi niya. Bumuntong hininga ako at umayos ng pagkakatay— "In front," saad niya pa. Umirap ako at naglakad na lang. "Okay class pakinggan na'tin." ngiting usal niya.
Unting hakbang na lang Wren nasa una— Napatingin ako ng higitin niya ang kamay ko. "Bakit Mr. Riel?" tanong ng guro.
Tinatawag pala sila sa pangalan at hindi sa apelyido ha. "Wren," he mouthed. "Don't do it." sabi niya pa.
Tumango lang ako. "Don't worry," saad ko at tumingin sa mga kaklase. "I can handle myself."
"Hindi mo sasabihin ang tunay diba?" tanong niya. Nag aalala.
Totoo ba 'yang pinapakita mo?
Umiling ako at naglakad na. Humarap ako sa klase, buong atensyon nila naka tingin sa'kin. "Here I go, for the victory pala 'tong teacher na'to," saad ko at sinilayan ang guro sa pagka todo ngisi. "I'm Wre—"
"Sir!" napalingon ako sa labas sa lakas ng boses nun. Sinamaan ko siya ng tingin.
Panira ng intro ko.

BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019