Napasabunot na lang ako ng buhok ko at pinagsisipa ang mga bato na nakikita ko. Bwisit! Ano ba kasi ang mangyayare sa'kin mamaya? Hindi ko alam, punyeta ako pa kasi ang pinili e. Bumuntong hininga ako ng makita na malapit na ako sa field. Ang lawak ha.
"Urgh!" sigaw ko dahil wala naman akong magagawa. Walang masyadong tao, at kung may tao man alam kong dadagsa 'yan mamaya pag and'yan na ang dalawang grupo.
Ano ba kasing meron dito? Gusto ko ng malaman! Nakaka bwisit! H-hindi kailangan kong makaus— "Choosen girl!" lumingon na ako sa tumawag sa'kin. Alam kong ako 'yun, kakasabi lang nila kanina.
"Ano?!" asik ko ng makita na nangunguna si Jones at ang anim na nasa likuran niya.
Ganto ba lagi? Dapat bang naka formation ang mga bata niya?
"Gumitna ka sa field." saad niya.
Lumingon ako roon. "Tangina mo. Ang tirik ng araw tapos papapuntahin mo ko? Gago! Ikaw na lang!" asik ko at nakita ko na naman ang mga nanlilisik na mata niya.
"Hin— Zapanta, akin yata 'yang kinukuha mo?"
Napapalo na lang ako sa kamay ng may humapit sa bewang ko. "Ano ba?!" Ramdam kong lumulutang ako. Damn! "Bita—"
"Listen to me," bulong ni Hade. Oo kilala ko na ang mga boses nila. "Pag pinapunta ka sa gitna pumunta ka. Wala ng satsat pa." saad niya pa.
"Bitawan mo 'ko, 'yun lang ang gusto ko." mahinahon na sabat ko.
"Zapanta, bitawan mo siya kung ayaw mong magka—"
"Hade! Bitawan mo na."
Dahan dahan niya akong binaba— at tinulak. "Aray!" sigaw ko ng bigla niya akong tinulak.
"Zapanta grabe ka!"
"Lets start." usal ng karamihan.
Bumuntong hininga sa sinabi nila. Naglakad ako papunta sa gitna ng field. Kahit tirik ang araw ay gumitna pa rin ako. Shit! Ang init dito, tignan mo Jones pag ako naka— nakawala sa mga kamay niyo. Tangina. Ikaw ang ipapalit ko dito!
Sinamaan ko sila ng tingin ng tumigil na ako.
"Sisimulan na nila."
"Grabe ang init." bulungan ng mga estudyante.
Tinignan ko ulit ang mga magkakagrupo. Ang grupo ni Jones nasa harap ko, samantalang sila Hade nasa gilid lang. Ano bang gagawin nila sa'kin?
"Handa ka na?" tanong ni Jones sa'kin.
Umirap ako. "Puta! Bilisan niyo! Ang init kaya dito mangingitim ako." saad ko. Bakit ko nga pala sinunod ang mga ugok na'to?
"Get ready." saad niya at huma—
"Ouch!" bulyaw ko at lumingon sa likod ko. Nakita kong marami ng na— "A-ano ba?! A-aray ha! Puta! Isa!" sigaw ko ng pagbabatuhin nila ako ng mga lobo ng may laman sa loob. Damn. Lumingon ako kay Jones at sinamaan ng tingin, todo ngisi ang loko! "Is this your punishment?" tanong ko sa kanila.
"Oo naman, at wala ka ng magagawa ngayon."
"Ganto ba ang ginagawa niyo sa ibang estudyante?" tanong ko kahit batuhin nila ako patalikod.
"Mag pasalamat ka nga, dahil malala ang ginagawa namin sa iba." saad naman ng nasa café dati. Si Rij.
Ngumisi ako. "Wow thank you ha! Bakit hindi niyo gawin 'yun para naman fair sa iba." sarcastic na usal ko.

BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019