30

17 0 0
                                    

Alynette's POV


Hindi ko alam kung bakit ganto na lang ang kabog ng puso ko. Kinakabahan ako, kanina pa. Kanina pang tanghali umalis si Wren pero bakit hanggang ngayon wala pa siya! Akala ko maglalaboy lang siya. Pero shet!

Alas dies na!

Gusto kong lumabas pero bantay sarado naman ako sa isang grupo. Like hell! Hindi naman sila ganto sa'kin!

Kumatok ako sa pintuan at inantay ang responde niya pero wala akong natanggap.

Baka wala siya. Hihihihi.

Simula ng pumasok si Wren sa school na'to ay ramdam kong iba siya sa mga pumapasok na estudyante. Hindi siya ordinaryo, wala mang kapangyarihan pero alam kong kakaiba talaga siya.

Kumatok ulit ako, inantay muli ang responde niya.

Kailangan kong lumabas. Hahanapin ko si Wren!

Unti unti kong binuksan ang pinto at dahan dahang sumili— lumawak ang ngiti ko ng makitang walang tao.

Yown!

Mabilis akong lumabas pero shit! Ang lamig! Walang katao tao!  At alam kong pwede akong mapahamak dito sa pinag gagagawa ko.

Shemay!

Linibot ko ang paningin ko ng walang makitang tao. Maliwanag naman dahil sa binibigay na ilaw ng buwan. Ang ganda ng langit.

"Where do you think you are going?!"

Napatalon ako sa gulat ng may magsalita at nasipa siya. "O-ouch!" usal niya pa.

"Shit! Shit! Shit! Papatayin mo ko sa kaba!" sigaw ko habang tinitignan siya.

Kita ko ang masamang tingin niya sa'kin pero hindi ako nagpatalo. "Timang ka ba? Mas mapapatay ka kung hindi ako sumunod sa'yo." galit na usal nito.

Eh?

Iniwasan ko siya at diretsong naglakad lang. "B-bakit ka kasi bigla biglang sumusulpot? Alam mo namang walang katao tao dito tapos—"

" 'Yan ang pagkakamali mo. Akala mo ba ikaw lang talaga ang naandito? Hoy! Ipapa alala ko lang sa'yo Miss Carter, they are here."

Dahil sa sinabi niya ay bigla akong napalingon sa paligid. Wala naman akong makita a! Wala naman akong nararamdamang nakatingin!

Niloloko lang ata ako ng gagong 'to!

Tinignan ko siya at ganun na lang ang gulat ko ng naka tingin lang din siya sa'kin.

Awkward!

"Ba-bakit ka nakatingin?!" sigaw ko at tumalikod. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong paglalakad.

"Where the hell are you going?" tanong niya at ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin.

Hahanapin ko si Wren!

Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Umuurong ang dila ko. "I'm asking you Ms. Carter, where are you goin—"

"Stop asking Bryle Hermandez. Gusto ko lang hanapin si Wre— 'yung ka roommate ko." sabat ko habang nagpapatuloy. "K-kanina pa kasi siya wala simula kaninang tanghal—"

"What?!"

Tumigil ako dahil sa biglaang pagharap niya sa'kin. Nag overtake para makita ako. Pinagkunutan ko siya ng noo. "A-anong what?! K-kaya nga ako pupunta sa dorm niyo, para tanungin sana siya kung nasan pero—" natigilan ako sa sinasabi ko. "Don't tell me..." mas lalong dumagdag ang kaba na nararamdaman ko.

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon