Tumingin ako sa salamin na nasa banyo. Umiling ako, sana panaginip lang ang lahat ng 'to. Parang hindi ko ata kakayanin na matagalan pa ako sa lugar na 'to. Ilang linggo pa lang ako dito pero andami ng trahedya na nangyayare sa'kin. Parang hindi ko na kayang tagalan ang mga ka brutalan na ginagawa nila, ang pagpatay sa mga tao... sa mga estudyante dito na nais lang naman nila ay makapag aral, pero isa pa lang kamalian ang pinasok nila. Isang eskwelahan na parang hindi makakayanan ng lahat.
Naglakad ako at tumapat ng shower at hinayaan kong bumuhos ang malalamig na tubig habang nakatingin sa umaagos na tubig sa baba.
Siguro naman lahat ng estudyante dito alam na kung ano ang pinasok na kapalaran dito. Kung paano nila napagtagumpayan ang isang araw, buwan, o taon dito sa loob ng isang misteryosong paaralan na'to.
Ilang araw ko na rin na iniiwasan ang mga lalaking naging parte sa buhay ko, kahit na may malaking utang na loob ako sa kanila ay hindi ko sila kayang pansinin. Bakit kasi hindi ako naghinala sa mga katangian nila, kung paano ang takot ng iba sa kanila.
Nagbihis na ako matapos kung maligo at mag ayos. Lumabas ako ng banyo. Sinadya kong agahan ang pagligo para makasabay ko si Alynette. Isa pa 'to minsan ko na lang siyang nadadatnan sa sala dahil nasa loob na agad siya ng kwarto niya. Siguro susi ko si Alynette tungkol sa gumugulo sa isip ko. Gusto kong mapuno ang lahat at masagot ang mga katanungan na nais kong malaman.
Matapos rin 'yun ay hindi na ako lumabas pa ng gabi at madaling araw, siguro naniniguro na rin ako sa seguridad ko dahil pwede nila akong mapatay kung walang pipigil sa kanila. Kung wala ang mga lalaking nagtatanggol sa'kin.
"O, Wren." napalingon ako ng bumukas ang pinto ng kwarto niya.
Tinignan ko siyang lumabas habang nag aayos ng buhok. "Sige maligo ka muna." usal ko sa kanya. Pinagmasdan ko lang siyang pumasok ng banyo. Hindi ko masyadong napansin na meron na pala siyang dalang gamit.
Bumuntong hininga akong ng marinig ko ang pagsarado ng pinto. Ngayon, tatanungin ko na siya, makakasama man sa'kin o makakabuti. Gusto kong malaman ang lahat ng sikreto na bumabalot sa paaralan na'to dahil hindi ko makakayanan na tumayo na lang at mag antay na patayin ako ng isang tao.
"Wren, bakit ang aga mo atang gumising ngayon?" tanong ni Alynette habang nasa loob ng banyo.
Liningon ko iyon kahit alam kung wala siya sa labas at nasa loob siya ng banyo. "I just want to ask you something." sagot ko sa kanya.
"Ano naman 'yun?" tanong na naman niya.
Umayos na ako ng upo. "Everything." sagot ko.
Rinig ko ang pagbuhas agad ng shower, siguro hindi niya inaasahan 'yun. Kahit ayaw niyang pag usapan 'yun ay pipilitin ko siya. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman.
Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas siyang naka uniform na. "Kumain ka na?" bungad na tanong niya sa'kin.
Umiling ako. "No. Atsaka wala naman kasing read—"
"Sige lalabas ako, kukuha lang ako ng pagkain sa canteen." paliwanag niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Magnanaka—"
"N-no! In charge na 'yun. Si-sige kukuha na ako." balisang sagot niya.
Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano 'yun? Kumuha na lang ba siya bigla o alam— "Alynette." tawag ko pero wala na siya dito. Bumuntong hininga akong tumayo. Nagdadalawang isip na lumabas sa kwartong ito. Pag lumabas ako, pwede akong mapaham— pero nakakayanan 'to ni Alynette?
Binuksan ko ang pinto at heto na naman ang hangin na bumungad sa'kin. Aish! Pumasok ulit ako ng dorm at nilock ang pinto. Shit! Natatakot ako!
Palinga linga ako habang naka upo, bakit kasi ang tagal ni Alynette? Totoo? Kakalabas pa lang niya 'no.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Подростковая литератураWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019