Ngumisi lang ako habang naglalakad. Bakit kasi sa tuwing lumilipat ako ng eskwelahan, ay kailangan ko mag shopping para sa bagong gamit ko? Pwede naman siguro na gamitin ko ang mga gamit na meron ako. Kunti pa lang naman kasi 'yung sulat nun e.
Malamang palagi ba namang cutting e.
Tsk. Binuksan ko ang pintuan ng shop na una kong pinuntahan. "Good morning Ma'am." bungad nila sa'kin.
Napairap na lang ako, kapekean. Naglakad ako at sumulyap muna ng menu nila. Ow, andito pala ako ngayon sa isang café. I just want to relax, kahit wala naman akong masyadong ginagawa.
Bumuntong hininga akong umupo sa vacant.
Bakit kasi kailangan pang mag aral ng isang tao? Para umunlad sa buhay? Para gumanda ang kinabuka— O come on! Nakakasawa ang ganyan.
"Order Ma'am?" napatingin ako sa isang lalaking nakatayo sa harap ko at naka ngiti—
" 'Wag kang ngumiti. Hindi bagay sa'yo, nagmumukha kang chonggo." saad ko na lang.
Napairap ako ng makita siyang nainis, really? Ito ang gusto ko, ang mang asar ng mga manyakis na lalaki. I'm a man hater! — not totally.
"Edi kung makiki wifi ka lang naman, edi sana hindi ka na pumasok dito at nanatiling tambay d'yan sa kanto." sagot niya sa'kin.
May angas.
"Really?" natatawa kong tanong, "Wifi? Hahaha yes," sarkasmong sabat ko. "Nice, may gadget ako? Diba wala?! Tang— tsk. Bulag." saad ko na lang dahil naka tingin na ang— E ano naman diba? Wala naman silang magagawa, dahil puro chismis lang naman ang mga gusto ng tao dito. This is world, and no one's perfect. Tsk.
"Kasi ganto ang gawain ng mga tam—"
Tumayo na lang ako at naglakad. "Nakakasira ka ng araw, sira na nga... sisirain mo pa." sagot ko at lumabas sa café na 'yon.
Putangeners lang! Bakit bigla naging ganun ang mode and radar ko? Peste! Pogi siya! Lintek pero nakakatakot ang n—
"Do you think you're done with me?" nagulat ako ng may humila sa'kin.
Kumunot ang noo ko. "I think... yes?" patanong na sagot ko at hinila ng marahas ang braso ko. "Hindi lang ako umorder sa café shop na 'yan, hinabol mo na ako?" nakangising saad ko.
Tsk. Ewan ko lang talaga.
"Ang kapal mo rin talaga babae 'no? Hindi kita— oo hinabol kita, pero dahil 'yan sa lintek na menu na'min." saad niya na kin—
"Damn!" bulyaw ko at binato sa kanya iyon.
Tang—inis! Nakakahiya!
Naglakad na ako at pinabayaan siya. "Miss! Kung gusto mo bigyan kita ng cop—"
"Shut up!" bulyaw ko kahit naka talikod na ko.
Bumuntong hininga ako. Th... That's urgh!
Frustated akong naglakad at pinuntahan ang National Bookstore. I need to buy things that I need.
Nang makapasok ako ay pumunta ako sa mga notebooks, kailangan ko siyang mahanap! I need it! Bumusangot ako ng wala akong nakita.
"Miss?" tawag ng kung sino man, but I just ignored him. Yes, him. Kasi boses lalaki.
Bumuntong hininga ako na magpasyang wala talaga design na ganun. Naglakad na lang ulit ako at pumili na lang sa iba. Bakit ngayon pa nawalan? Kung gamitin ko na lang kaya ang dati kong gamit. Psh. Okay, itatago ko na lang 'tong perang binjgay sa'kin ni Mama.

BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019