Bumuntong hininga ako ng magising ako dito sa rooftop. Yeah, pagkatapos mangyare 'yun dito ako dumiretso, wala akong pakielam kung maubusan ako ng dugo. Ang iiniisip ko, paano niya nakakayanang pumatay ng ganun kadali? Heartless.
Napapikit na lang ako ng maramdaman na kumikirot na naman ang kaliwang kamay ko at leeg ko. Kasalanan 'to ng Jones na 'yun! Pumikit na lang ako at hinayaan ang mga sugat ko na tumulo ang likido.
"Wren," hindi ko pinansin ang nagsalita nun. "Damn!" saad na naman niya. Ang ingay ha!
"Joles pa abot nga d'yan 'yung medicine kit."
"Zame pa abot naman."
"Shhh. Kuhain niyo na nga lang."
"Leyn pasuyo naman."
"Lyrex dali na."
"Manahimik kayo."
"Pero ang astig talaga, paano niya nagagawa 'yun?"
" 'Yung alin? Ang pagbasag niya sa itlog ng kapatid mo?"
"Hahahahaha! Gagi namutla hahahaha!"
"Mamaya resbaka—"
"Aray!" bulyaw ko ng maramdaman ang hapdi dahil sa paglagay ng alcohol at bulak.
"So-sorry."
Sinamaan ko sila ng tingin. "Bakit ba ang iingay niyo? Mag patulog naman kayo! Atsaka 'wag niyo ngang pakielaman 'tong sugat ko!" bulyaw ko sa kanila at inalayo ang kamay.
"Inaalala ka na nga e." asik nila.
"Hindi ko kailangan ng pag aalala niyo. Naiintindihan niyo?" inis na asik ko.
"Wren," mahinahon na usal ni Vouhn. "Hindi mo dapat ginawa 'yun." saad niya at mataman akong tinignan. Nakaupo siya sa sahig at siya ang gumagamot sa'kin kanina.
"Ano?! Hahayaan ko na lang 'yung bwisit na lalaking 'yun na patayin ako?" sarkasmong tanong ko.
"Kaya nga andoon na kami para kuha—"
"Pero mamamatay na ako doon, ano aantayin ko kayo? Paano kung wala naman kayo? Mag aantay lang ako? Tangina! Mas okay ng lumaban mag isa kong ganun." dire-diretsong sagot ko. Nagagalit ako. Naiinis ako, ito na naman ang inaalala ka lang, tangina! Ayoko! Ayokong mangyare 'yun!
"Wren." lumingon ako ng tawagin ako ni Riel. "Bakit ano ba—"
"May tao." saad ng palabiro.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng karamihan sa kanila.
Liningon ko iyon at nakita ko siya. Nakatingin din siya sa'kin. Nakipagtitigan ako sa kanya pero ako na ang unang umiwas. Nakikita ko na naman ang pag aalala mula sa kanya.
"Boss," lumingon ako kay Vouhn ng tawagin niya at lumingon ito kay Hade. "Sige."
"Pero bawal 'yun sa ru—"
"May rason siya." malamig na sagot ni Hade.
Nakatitig lang ako kay Bryle habang papalapit siya dito. Ngayon ko lang siyang nakitang seryoso ng ganun. "Can I borrow her?"
"Hindi siya laruan."
"Hindi siya pinapahiram."
"No."
"Ayaw."
"Bawal."
"Hindi."
"Hindi pwede." sari-saring sagot nila.

BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019