Mula rito sa rooftop tumingin ako sa baba, ang daming estudyante ang mga nakakalat. "Mamaya, nakasuot na rin ako ng student uniform na 'yan."
Umupo na lang ako matapos makita iyon, linagay ko ang bag ko sa mga hita ko at naghalungkat. Kinuha ko dito ang earphone at cellphone ko. Kumunot ang noo ko ng maalala ko ang sinabi ng lalaki kanina.
Really? Hell? Beware because I'm entering hell? Tsk! Kalokohan!
Sinuot ko ang earphone at sinalpak sa cellphone at iniscroll para makakita ng magandang music. Linakasan ko ang vol— "Dang!" bulyaw ko ng makita ang cellphone. "Argh! Humanda ka sa'kin!" nanggagalaiting sigaw ko. Dinampot ko ang cellphone ko na nahulog dahil sa pagkakabato. "Bwisit! Urgh! Basag na!" sigaw ko pa rin. Inis kong tinanggal ang pagkakakabit ng earphone sa'kin at inilagay iyon sa bulsa ng bag ko.
Bumuntong hininga ako. May sentimental value sa'kin 'to. Kainis!
Tumayo na ako at nilibot ang paning— Inis na inis ako, hindi inis. Galit! Bwisit! Tumingin ako sa lalaking nakahiga sa isang upuan sa rooftop. Kita ko rin dito ang mga bato na katabi niya, meaning ito yung mga pangbabato niya!
Galit na lumapit ako don, "Hoy!" sigaw ko, habang lumalapit sa kanya.
Kita kong tumingin siya sa'kin, pero umiwas rin. Kumuha ako ng bato na nasa lapag at binato sa kanya. "O-ouchhhhh! Shiiittt!" napangisi ako ng matamaan ko siya. Tumingin siya sa'kin, p-pero kita ko sa mga mata niya... Ga-galit! Kita ko na naman ang tumutulong dugo sa noo niya.
Ngumisi ako. Dapat lang sa kanya 'yan! "Bakit mo binato ang cellphone ko?!" sigaw ko.
Hindi siya sumagot at pinunasan niya lang ang dugo. "Tsk!" biglang asik niya. "Bakit ganyan kayong mga babae, mga tamang hinala." saad niya.
Nakagat ko ang labi ko at naikuyom ko ang mga kamao ko. "Sino bang niloloko mo?" galit na tanong ko. "Bakit kayong mga lalaki, andyan na ang ebidensya tapos nagmamaang maangan pa!" bulyaw ko at tinignan ang pwesto niya. "Matinde ka rin!" irap na sabi ko.
Naglakad ako paatras sa kanya pero hindi pa rin natitinag ang tingin ko sa kanya. Dahil sa'yo mawawalan ako ng cellphone, bwisit ka!
Inis kong tinaas ang kamao ko at pinatayo ang middle finger sa kanya. "Ah!" sigaw ko ng may maramda—
Damn it! Nanghihina at nahihilo a-ako.
"Sleep well, transferee." saad ng isa.
And everything went black.
"Who is she?"
"I don't know. I don't even know her."
"Why is she here?"
"I don't know."
"Putang I don't know 'yan!"
Napadilat na lang ako dahil sa ingay. "Bakit ba ang iingay niyo?" inis na baling ko sa kanila. Linibot ko ang paningin ko, "Nasan ako? Aish inis talaga! Masasapak ko tala—"
Napahilot na lang ako sa sintido ko. Naalala ko ang mga nangyare. Nasa rooftop— Tinaasan ko ng kamay yung lala— Did I do that? napailing na lang ako.
"Miss who are you?" tanong sa'kin ng isang lalaki, nakaupo sa sofa. Tinignan ko sila isa isa. Nakita ko ang lalaking binato ko, naka tingin siya sa newspaper at me—merong benda. Benda? Really Wren? Bato lang 'yun, benda na agad? Sinilip ko rin ang dalawang lalaki at nakatingin sila sa'kin!
Kumunot ang noo ko. "Problema niyo?" tanong ko sa kanila. Putspa! Titigan ba naman ako ng mga 'to.
"Hahahaha!"
"Bwahahahaha!"
"Hooo! Hahahaha!"
Really? Mga baliw sila!
"Asan ang gamit ko?" tanong ko sa kanila, at tumayo mula sa pagkakahiga.
Nang makatayo ako ay linibot ko ang kwarto, kahit mga nakaharang sila sa mga daraanan ko. "Tabi!" bulyaw ko at sumiksik sa kanila. "Harang ang wala!" sigaw ko.
Muli silang nagdikit para harangan ako! "How is she?" napatigil ako mula sa pagkakagitgit sa kanila. Ganoon rin sila.
Tumingin ako doon, What the— Bakit andito 'yan?
Ngumiti ito sa'kin. "Hi, Wren." bati nito sa'kin.
"You know her?"
"Riel, kilala mo siya?" tanong ng humarang sa'kin.
Okay, Apat na lalaki sila dito. Come on, gro— Aish! Pervert!
"Kilala ko, tinawag ko nga diba?" napapangising sagot ng isa.
"Ogag! I mean Riel magkaibigan kayo?"
Muli kong nilibot ang paningin ko. Nakita ko yung lalaking pinuruhan ko.
"Oo magkaibigan kami."
Napantig ang tenga ko don. "Friend?! Wala akong kaibigan!" usal ko at ngayon nakita ko na ang bag ko.
Naglakad ako at kinuha ang bag. "Hahahaha! Hindi naman pala eh!"
Umirap na lang ako, malapit na ako sa pinto—"Saan ka pupunta?" tanong ng nasa likuran ko.
Humarap ako sa kanila at nakita ko na mga nakatingin ang tatlo sa'kin. "Sa lugar kung saan malayo sa inyo." sagot ko at pinihit ang doorknob. Hindi ko na rin sila pinakinggan pa at lumabas na lang.
Nang makalabas naman ako ay nakita ko ang mga tingin ng mga estudyanteng dumadaan at nadadaanan ko. Umirap lang ako. Parang mga kakain ng tao. Ang sasama ng tingin ng mga babae but except for the boys, nagagandahan siguro sa'kin. Tsk. Nagpatuloy ako sa paglakad wala naman ak— Saan na ba ko pupunta rito? Wait! Kailangan ko nga palang puntahan ang Dean, 'yung nakausap ko ng nakaraan.
Napangisi ako ng may makita na may dadaan na lalaki, ma tanong nga. "Excuse me." mahinahon na usal ko.
Tumigil siya at tinignan ako. "Dadaan ka?" tanong nito. "Ang luwag ng daan o." usal nito at tumingin sa hallway.
Umirap ako. "Alam kong maluwag, but I want to ask you something." saad ko.
Patience! Wren, Patience!
Ngumisi siya sa'kin pero dinaanan lang ako!
"Bwisit ka!" bulong ko, at liningon siya.
Inayos ko ang tindig ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Ayaw niya kong pansinin? Di wag!
Linibot ko ang mga paligid kahit na naglala— "Woah!"
Napahawak ako sa noo ko. "For now on, tumingin ka sa dinaraanan mo," usal ko sa sarili ko, "Hindi naman kasi tumitingin sa dinadaanan e." saad ko.
Okay, I'm wrong.
Ramdam ko ang paghawak niya sa balikat ko, "Uy! Sorry miss. Di ko naman sinasadya e," sabat niya. Tumingala ako at tini— "Okay ka lang?" tanong niya.
"Tsk!" asik ko.
Kailangan ko ng makita ang office ng Dean.
"Saan dito ang office ng Dean?" tanong ko.
Umayos siya ng tayo at nakangiting tumingin sa'kin. "Follow my way." masayang sabi niya.
Wala na akong ginawa kundi sumunod na lang.
Kailangang mahanap ko na iyon, dahil hapon na rin. Lintek! 'Yung tumama sa'kin, napatulog pa ako ng wala sa oras.
Napangiti na lang ako.
Sa mga stranger na nakakasalamuha ko, bakit ang... Okay I admit it, bakit ang gagwapo nila?

BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019