18

28 1 0
                                    

"A-aw! Hooo! Dahan dahan!" sigaw ko at iniwas sa kanya ang braso.

"Ka man isseo." saad naman niya.

•Ka man isseo : Stay still, don't move•

"Baka kasi mahapdi ana?" tanong ko.

Ikaw kaya masugatan dahil sa mga pesteng babaeng mga 'yun. Makahampas talagang ang laki ng galit e. Humanda talaga sa'kin 'yung mga 'yun. Nyeta! Tapos hindi nakabalik 'yung lumabas na tatlo.

"Naiintindihan mo ang sinasabi ko?" tanong na naman niya at dahan dahang dinikit ang bulak na may alcohol.

"Wae?" pagtataray ko naman. "Anong akala mo sa'kin, inosente sa mga lenggwahe na 'yan? tanong ko na naman.

• Wae: Bakit?•

"Tsk." sabat niya at muli ulit dinikit ang bulak. "Edi kung hindi ako dumating mamamatay ka na don. Psh." pagsusungit niya rin.

Tsk. "Kaya ko naman ang sarili ko pero tangina! Nakatali ako e, paano ako makakakilos nun diba?" asik ko.

Walengya naman kasi! Makakalaban ako, pero tinali nila ako e, paa at kamay tapos sa upuan pa. Bwisit!

"Tsk. Nagmamagaling ka na naman."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy! Lalaki! Hindi ako nagmamagaling kase magaling naman talaga ako!" sigaw ko sa kanya.

"Magaling daw? Psh."

"Iniinsulto mo ba ako?!"

"Hindi kita iniinsulto."

"Inaasar lang ganun?!"

"Hindi rin kita inaasar."

"E ano?!"

"Wala."

Napairap ako sa kawalan. "Wala daw, hmmp!" saad ko at inambahan siya na susuntukin ko pero nahawakan na niya. Nice! Catcher.

"Tsk. Ano ipapadapo mo 'yang kamao mo sa mukha mo? Baka masaktan lang 'yan." anas niya habang nakatitig sa'kin.

"Yabang," sabat ko na lang at binaba ang kamay ko. "Paano mo pala nalaman na na andon ako sa kwartong mabantot?" tanong ko sa kanya.

"Sa maingay na si Alyne—"

Shoot! "Aish. Si Alynette pa—" sabat ko na tatayo sana pero pinigilan niya ako.

Andito nga pala kami sa rooftop at nilock niya ang pinto, dito niya kasi naisipan akong gamutin. O diba. May doktor ako.

"Pinuntahan na 'yun nila Vouhn." asik niya.

Napaiwas ako ng tingin. Bakit tuwing napapahamak ako lagi na lang sila ang nakakakita nun? Grabe! Ang malas ko naman!

"Sige na, pwede ka ng umalis." liningon ko ang sinabi niya.

Napamaang ako, parang kanina lang ayaw niya akong palabasin, tapos ngayon? Aish! Bipolar. Tsk.

Tumayo ako at naglakad na, nilingon ko siya pero ganun pa rin ang pwesto niya. Nakatalikod sa'kin.

"Gamsahamnida." saad ko at naglakad na ng tuluyan. Binuksan ko ang pinto at isinirado na. "Gamsahamnida, Hade." bulong ko at bumaba na.

•Gamsahamnida: Thank you•

"Anong ginagawa mo doon?" napatingin ako sa likuran ko, tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"W-wala." sagot ko at tuloy pa rin sa paglalakad.

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon