17

25 1 0
                                    

Tinignan ko silang maglaro, last quarter na pero parang ni isa ata sa grupo ayaw magpatalo. Grabe! Patinde ng patinde rin ang mga sigawan nila.

"WAHHHH! OH MY G!"

"149- 149?!"

"O SHIT! AYAW NILANG MAGPATALOOO!"

Napalaki ang mata ko ng mag three points si Bryle pero biglang tumalon si Vouhn.

"SUPALPAL!"

"WOOOOOAAAHHH!"

Napakunot ang noo ko. Tama, ni isa sa kanila hindi magpapatalo. Ang astig.

"Ano tulala ka? Walang magpapatalo sa kanila. Hehehehe!"

Nakatutok lang ako sa baba. Na kay Joles na ang bola, at pinasa niya kay Zame. Masyado siyang binabantayan ni Roi.

"Pero sino sa kanila ang madalas manalo?!" pasigaw na tanong ko. Syempre hindi ko naman maririnig si Alynette kung hindi kami magsisigawan diba? Remember, nasa gym kami. Gym.

"Sila! Wala nga kasing magpapatalo. Bababa ang ego nila kung ganun! Tsk."

Napatango na lang ako. "Hmmm. Ma-pride." saad ko. Parang ako ma pride.

Na kay Railer ang bola at pinasa niya kay Bryle. Grabe! Bakit ko ba kailangang i-identify ang ginagawa nila? Wala nga akong alam sa larong basketball e.

Natapos ang quarter ng walang magpatalo kaya naman nag over time sila. Ewan ko kung anong tawag sa nag isa a— Aish! Basta. Punyeta!

"Okay wala na tara na!" sigaw sa'kin ni Alynette.

Liningon ko siya at pinagkunutan ng noo. "H-ha? Ba-bakit? Paano natin makikita kung sinong mananalo niyan?" angil ko.

"Lika na!" asik niya habang tumatayo.

Really? Tatayo kami? Ni isa ata dito walang tumayo, tapos kami. Kami ang tatayo? What a nice!

Bumuntong hininga ako at sumuko. "Pakita mo sa'kin na may magandang pupuntahan pagkatapos neto, kase kung hindi..."

"O-oo, oo na!" sabat niya at hinatak ako. "Makikiraan!" sigaw niya at ako naman ay sumunod.

Matinde! Ni isa walang space sa mga bleacher.

Nang makalabas kami sa gym ay tumigil siya. "Hoooooo!"

"O anong tinu-tunganga natin? Ano dali. Saan tayo pupunta?!" anas ko.

Nilibot ko ang paningin ko. Ang gym na'to malayo sa building namin.  "Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya.

Napa grin ako. Ang gusto kong puntahan? Hmm. Saan kaya? "Sa garden,"

"Garden lang pala, lika doon tayo—" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya.

"Sa junior at senior, sa garden ng junior at senior," pa petiks na sagot ko. "Napuntahan ko na kasi kanina lang ang garden ng seven at eight e, kaya..." tinignan niya ako. Hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "You know," saad ko habang kinikibot ang mga balikat.

"Nahihinang ka na ba?"

"Hinde,"

"Bakit mo gustong pumunta doon?"

"E kase gusto ko? Yeah. Gusto ko, 'yun nga."

"Totoo?"

"Oo."

"Bakit nga?"

"Syempre gusto ko nga."

"Bakit mo nga gusto?"

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon