"Hoy! Gumising ka na dyan!" bulyaw mula sa tenga ko.
Inis akong dumilat ng mata. "Ano bang mga problema niyo?" tanong ko. And yes, kanina pa ako gising pero hindi ko dinidilat ang mga mata ko kasi pinapakinggan ko ang sinasabi nila. Inis yan puro lalaki pa.
Ano na naman ba 'to?! Parang ganto din ang nangyare sa'kin kahapon, pati ba naman ngayon?
"Yun naman pala e." usal naman ng iba.
Linibot ko ang panin— "Hello." bati nila sa'kin.
"Hi."
"Okay ka lang?"
Bakit ang dami nila?
"Wren." napalingon ako sa nagsalita.
Bakit siya andito?
Umirap ako.
Andito sila. Si Bryle Hermandez ang playboy sa dating school na pinapasukan ko, ito 'yung hmmm. Pinuruhan ko. Andito rin ang lalaking pinahiya ako dahil sa menu nila... sa cafe. 'Yung humatak sa'kin sa restaurant na naupakan ko. 'Yu-yung natuhod ko sa sikmura at 'yung kasama niya. Pati ba naman si Henry? 'Yung lalaking kaklase ko dati, 'yung lalaking tangina niya! Dahil sa kanya kung bakit ako nandito! At may isa pa na bago ko lang nakita.
"Ano nakabisado mo na ba ang mga pangalan namin?" nabalik ako ng tingin sa kanila.
"Hindi ko kailangan ng mga pangalan niyo." daling sagot ko.
May naglakad papuntang gilid ko. Hindi rin ako makagalaw ng maayos dahil sa mga lalaking nakapalibot sa'kin! Parang nasa hos— "Pwes, tandaan mo ang pagmumukha ng mga 'to." saad ng nasikmura ko habang nakatitig siya sa'kin.
"Sige na, magpakilala na kayo." saad ng hindi ko kilala.
"Yun oh!"
"Yes!"
"Ayos!"
Napairap ako ng magsilapitan sila sa'kin.
Kailangan talagang lumapit?
"Distance." naiinis na saad ko.
Ngumiti lang sila sa'kin pero hindi man lang umurong. "Hi. Ako si Bryle Hermandez, diba babe?" tanong nito.
"Alam ko, bwisit ka." saad ko.
"Woah!"
"Hahahaha. Grabe."
"Rij Chui, sa café. Remember that day?" mahangin na pakilala niya.
Umirap lang ako. Ayokong balikan 'yun nakaka inis. "Magkakilala na kayong tatlo?"
"Ako din kilala ko na—"
"Hindi ko sila kilala." anas ko. Magsasalita pa siya.
"Hahahaha. Yow! Roi Zapantez." siya 'yung sumingit sa usapan. Siya 'yung sa restaurant na hinatak ako. Aba't kumindat pa!
"Railer Hae." sabat ng ngayon ko lang nakita.
"Jay Garcia." pakilala ng isa at umiwas ng tingin sa'kin.
Takot.
Tumingin ako sa lalaking dumakip at tumakip sa'kin na naging dahilan kung bakit na naman ako lumuha. "Henry Blaze, Wren." nakatitig na usal niya sa'kin.
Ngumisi ako at inirapan siya. Tumingin naman ako sa lalaking hindi pa nagpapakilala sa'kin. "May atraso ka sa'kin kaya hindi ko sasabihin." sabat niya.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019