Inayos ko ang gamit ko mula ng maupo ako rito sa sofa. Sinamahan rin pala ako ng lalaking iyon sa office, hanggang dito. Nakakapagod.
"Are you okay? Okay ka na ba sa room mo?" tanong nito.
Bumusangot ako.Inis na lumingon sa kanya. "Hoy lalaki! Tanga ka ba o nagtatanga tangahan lang?" tanong ko sa kanya. Nakakainis na kasi siya. "Kanina ka pa ha. Mula ng makapunta ako dito, dada ka ng dada." asik ko pa.
Tinignan niya ako. Nakatayo kasi siya sa gilid ng pintuan, hindi ko siya pinapapasok. Lintek na lang! Kailangan ko ng seguridad 'no mula sa bagong kakilala ko lang, at sabihi— Urgh! I think he's a rapist! Hmmm? "Kailangan ko pa bang ulitin sa'yo na ako si Vouhn." nakangiting asik niya.
Umirap lang ako. "Oo na sige na, kaya alis na." pagtatabuyan ko sa kanya. Tumayo ako at pinuntahan siya.
"He-hep hep! Mamaya na. Aantayin pa nga natin 'yung roo—"
Bumuntong hininga ako. "Ilan pa bang pag uulit ko sa'yo na I'm fine. Ayos lang ako?" inis na usal ko
Paulit ulit rin 'to aba!
Sinamaan ko siya ng tingin ng makitang napakamot siya sa ba— Playing with me ha!
" 'Wag ka ngang mag paawa." usal ko.
Ngumiti siya sa'kin na nakapagbigay dagdag sa kagwap— Erase! "Naawa ka naman?"
Napangisi ako. "Hindi, dahil hindi ka naman kaawa awa. Kaya layas!" bulyaw ko pa.
Kanina pa siya, punyeta! Para akong aso na siya ang buntot, dahil laging nasa likuran ko. Porket ba nag pasama lang ako papunta office ng Dean ganun na? Hapon rin 'yun simula ng nagpasama ako at ngayong gabi na kailangan niya ng umalis. Tsk. Simula ng malaman ko ang dorm na ito dahil sa tulong niya ay hindi na ko iniwanan. Ganto na ba mag welcome ang mga tao rito?
Pero dang! Hindi ko kailangan ng pagsabay at pagbantay niya.
"O sige na, dito na ko." nabalik ako sa ulirat ng mag salita siya, pero ang nakita ko na lang ang pag sara ng pinto.
Bumuntong hininga ako. I won.
Naglakad ako papunta sa sofa at dahan dahang humiga roon. Mamaya ko na lang ililigpi— No!
Tumayo ako at nagmadaling kuhain ang bag na nasa gilid ng sofa. Kahit ba maldita ako may pakielam pa rin ako sa gamit ko, o—kay anong connect nun?
Naglakad ako patungong kwarto at pinasok muna roon ang bag ko. Lumabas ulit ako para siguraduhing na ilock ko ang pinto, Ayos naman.
Lumingon ako sa kanang pinto, dito naka pwesto ang makakasama ko. Tumingin ako sa kaliwang kwarto at pumasok na roon at sinarado ang pinto. Nakita ko roon ang mga kailangan ko. Isang kama, kumot, dalawang unan. Kabinet, lamesa at upuan.
Nang matapos ko ang pag— "Open this door!" bulyaw mula sa— "I said open this fucking door!" Tumayo ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko, wala naman dit— "Open this damn door or else I'll kill you! Kun—" hindi ko nakayanan ang ingay niya kaya pumunta na ako doon at inis na binuksan ang pinto.
Nagbanta pa.
"Parang hindi ko ata kayang makasama ka." usal ko ng makita siya.
Gumilid na lang ako ng tumakbo na siya papasok sa loob. "Hahahahaha. I'm kidding. You're so serious." kinakabahan na ani niya.
Wala na akong nagawa kundi isarado ang pinto at maglakad. Tinignan ko muna siya ng may pagtataka. "Crazy coward." saad ko at dumiret—
"Balita ko ikaw ang transferee." saad nito.

BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019