23

24 1 0
                                    

Patabinge akong pinagmasdan ni Alynette. Nakakabanas na ha! "Meron bang nangyare sa'yo—"

"Wala!" sigaw ko sa kanya. Kanina niya pa ako tinatanong ng ganyan.

Tumango lang siya at humigop sa kape niya. "Bakit parang lutang ka ata ngayon." anas niya pa.

Napairap na lang ako. Andito kami sa loob ng dorm, at sabay kaming kumakain, pero ito namang si Alynette napakadaldal, sobra.

Bumuntong hininga na lang ako. "Hangover? Yes? Maybe?" tanong ko sa kanya at nagkibit balikat "I dunno." sagot ko pa.

Napapikit na lang ako. Alam kong tama ako eh, tama ako. Si Hade 'yun! B-basta! "Sus, ewan ko sa'yo Wren." asar na saad niya.

Napangisi na lang ako. "Psh." asik ko pa.

"Ay, Wren. Alam mo na ba ang balita kala Jeminah?" napatingin ako ng sabihin niya 'yun.

Sinong Jeminah? Hindi ko naman kilala 'yun a.

"Hoy! Ano natulala na?" sabat ni Alynette at pinitik pa ang tenga ko.

Inis ko siyang inirapan. "Sino ba kasing Jeminah 'yan ha? Ni hindi ko nga—"

"WHAAATT?!"

Napapikit ako sa sinigaw niya. Nyeta! Bunganga talaga ng babaeng 'to, di maawat awat!

"Sila Jeminah hindi mo kilala?" tanong niya ulit. Umiling lang ako.

"Ano kailangan paulit ulit? Hindi nga," saad ko at nagpangalumbaba na lang. "Bakit ko naman kikilalanin 'yun diba? Nagsasayang lang ako ng oras kung ganon." paliwanag ko pa.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Alynette. "Akala ko pa naman hindi mo sila makakalimutan, psh."

Napairap ako. "Kung 'yung mga bumubugbog satin oo hindi k—" napatigil ako at tumingin sa kanya. "Sila 'yun?! O dali anong balita sa kanila?" nabuhayan ang loob ko doon.

Tumikhim si Alynette at uminom muna ng kape niya, napairap naman ako sa ginawa niya. Kailangan talaga may ganoon? "Naka kulong sila."

Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso 'yun?! Saan sila kinulong sa labas ba? As in totoong ku—"

"Huminahon Wren, gusto mo puntahan natin— pero okay lang kung ayaw mo, ayoko na rin naman silang makit—"

"Puntahan natin, samahan mo 'ko."

Gaya ng inaasahan hindi na nagtagal si Alynette at hinatid lang ako. Ayaw na niyang makita ang lima na bumugbog sa kanya... at sa'kin. Buti naman at hindi sila pinapatay, kasi kung nangyare 'yun napakasama na ang taong gumawa nun.

Nasa tapat na ako ng pinto ng abandonadong classroom. Malayo sa mga building at talaga nga namang nakakatakot dito pag gabi na. Walang ilaw, at ang mga nakapalibot lang ay mga puno. Nasunog na ang parteng nasa taas ganoon din ang iba sa baba, pero itong tinatawag nilang kulungan ay ang natirang maayos.

"Anong ginagawa mo rito?"

Napatingin ako sa gilid ko ng may magsalita. Siya 'yung lalaki na kasama ni Jones, si Jay.

"Bawal ka dito, bakit nandito ka?" saad niya at naglakad. Napansin kong may hawak siyang plastik.

Bumuntong hininga ako at tinignan siya. "Gusto ko sana silang kausapin." saad ko at tumingin sa bintana.

Wala akong marinig na kahit anong ingay mula sa loob, siguro mga tulog pa.

Ramdam kong napatingin sa'kin si Jay. "Huwag kang mag alala hindi ko sila patatakasin." sabat ko pa at ngumiti.

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon