Tinignan ko ang wall clock ko. Around 4 AM na rin pala. Tapos na naman akong maligo at mag ayos ng sarili ko. Siguro kailangan ko munang umalis ayokong makita si Alynette, kailangan ko siyang iwasan. Naka uniform na rin naman ako at kailangan ko na lang ay ang gamit ko, kinuha ko ang bag ko sa table at lumabas ng kwarto. Malinis sa sala at walang anino ni Alynette.
Lumabas ako ng dorm na 'yun at tumambad sa'kin ang malamig na simoy ng hangin. Masyado pang madilim. Linock ko ang pinto at nagsimula ng maglakad. Saan ba ako pwedeng pumunta nito? Sa rooftop? Nakakasawa. Sa garden kaya? Yes! Sa garden, oo!
Naglakad ako, at okay na rin naman dahil medyo kabisado ko na ang eskwelahan na'to. Marami pa akong nadaanan na building, sobrang laki talaga! Urgh!
"Ano nakuha niyo na ba?" lumingon ako at dahan dahang nagtago ng may makita akong mga anino na naglakad.
Nagtago ako sa locker, at doon nakinig. "Hindi pa."
"Paano niyo makukuha 'yun?"
"Wala sa kanya, palabas labas na kami sa eskwelahan na'to pero hindi namin siya mahanap."
"What?! Edi na kanino? Tangina! Hanapin niyo or else you will die!"
"Wala ta—"
"Shut u—"
Napa urong ako sa narinig ko. Patay? Patayan? No! Sinong papatayin?
Tanggaris! Ako ata ang mamamatay ngayon!
"Sino 'yun?"
Napalunok ako ng marinig ko ang nga yabag nila na tila naghahanap. Paano na ko nito?
"Hanapin niyo 'yung nakikinig at patayin."
Napalaki ang mata ko! What the fucking hell?! Pa-papatayin nila ako?! Baki-bakit kasi ang ingay ng sapatos ko? Bwisit!
"Paano pag nalaman ni—"
"Hindi magsasalita 'yun kasi papatayin niyo na! Bobo!"
Napatakbo na lang ako sa mga naririnig ko! Tanga mo Wren!
"Woy! Woy! Sino 'yang tumatakbo? Huli ka sa'kin! Hahahahaha!" rinig kong sabi ng humahabol sa'kin.
Kainis! Boplaks! Wren, dapat hindi ka tumakbo! Lalo kang mahuhuli engot!
Napakagat na lang ako sa ilalim ng labi ko. Oh my gosh! What now? Ano ng gagawin ko?"Tumigil ka na, mahuhuli rin kita!" sabi niya pa.
Takbo lang ako ng tak— "Ouch!" napalunok ako ng maramdaman na hindi poste ang na— tao siya! "Ple- please s-save me." saad ko ng tumingala ako. Hindi ko siya makita dahil madilim.
Lord, 'wag naman sana hindi pa ako handa.
"Nasan ka na? Yuhooo. Mahahanap rin kita." ngayon ko na lalong naramdaman ang takot ko ng marinig ko ulit ang humahabol sa'kin.
"P-please..." pagmamakaawa ko ng maramdamang hindi man lang siya nagsalita o gumalaw man lang.
Napayuko na lang ako at umatras. Tatakbo ako! Kailangan kong iligtas ang sarili ko. Wren! Kaya mo 'to, okay nang hindi na gumalaw ang nakabangga mo, keysa naman kasamahan siya ng humahabol sa'yo. Tatakbo ako! Ta— "Don't leave." saad niya at hinawakan ako sa pala pulsuhan.
Maiiyak na ako dito! Dang! Kung katapusan ko na'to, ayoko sa ganitong paraan! Natawa na lang ako. "Bwisit, don't leave?" habol na hiningang tanong ko. "Mamamatay na ako dito." sagot ko.
"Harapin mo siya." usal ng lalaki, maayos pa rin ang tindig niya pero hindi ko talaga siya makita!
"Bwisit! Ang alam ko alas tres lang nagpapakita ang mga ibang espirito. Pero shet alas quatro na pero bakit may natitira pa?"
BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Novela JuvenilWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019