22

25 1 0
                                    

Napatingin ako sa kw— "O-ouch!" sigaw ko. Gosh! A-ang sa-sakit ng ulo ko!!! Parang bini— stop it! Parang binibiyak! Pinupokpok! Shit! Shit! "Aaaaaaa!" sigaw ko!

Napatingala na lang ako sa kisame. Maganda dito, ang ganda ng kwartong 'to. Perooo... Asan nga ba talaga ako?

Tumayo ako kahit na medyo nahihilo pa ako, an— gosh! Tinignan ko ang nasa picture frame na naka sabit sa kwartong ito. Pamilyar siya sa'kin, may dalawang bata... lalaki at babae, kita ang saya sa mukha nila. Parang may kamukha siya! H-hindi ko lang— napapikit ako dahil sa sakit ng ulo.

Damn it! Hinding hindi na ako mag iinom! Swear!

"Gising ka na pala." lumingon ako sa boses na 'yun.

Dali dali akong tumakbo papuntang kama at nagtaklob ng kumot... Wait! Sinilip ko ang katawan ko! "Don't worry, walang magtatangka d'yan sa katawan mo." rinig kong anas niya.

Sinilip ko ang sarili ko. Okay naman ako, ito pa rin ang suot ko. "N-nasan ako? Psh. Nak-nakalabas na ba ako ng school?" hestirikal na tanong ko.

Napangiti ako, edi kung ganun kailangan magpa -party ako! Gosh! Wala na ako sa— "No, andito ka pa rin sa Freedom." tanging sagot niya.

Napatulala ako. "Edi bakit— unfair! Ano 'to bahay mo?!" nakatayong anas ko.

Tumango lang siya. "Tsk," tanging sagot niya. Nakita ko siya na may nilapag sa mesa. "Eat this, atsaka uminom ka na rin ng gamot ng mawala 'yang hangover mo." saad niya at tumalikod sa'kin.

"Nasan ako kung ganun?" tanging usal ko. Hindi ko alam na may bahay pala siya dito. P-pero paanong nangyare 'yun?

"Inside my house."

Napanganga ako ng makita na sinarado niya ang pinto. Dali dali akong tumakbo! Gosh! "H-hoyyy." mahinang anas ko ng mabuksan ang pinto. Psh. Akala ko nilock niya ako rito.

" 'Wag kang mag alala. Hindi naman kita ikukulong, dahil wala namang magtitiis d'yan sa ugali mo."

Nagulat na lang ako na naka sandal lang siya sa pader katabi ng pinto! "A-akala ko iniwan mo ko." tanging ani ko.

Ayoko dito sa lugar na'to. Parang may mga nakatingin sa'kin na hindi ko maintindihan.

"Bakit naman kita iiwan? Ikaw nga ang unang... Kinain mo na ba ang pagkain mo?" bumuntong hininga ako.

Ha?!

"No..." iling ko at pumasok sa loob ng kwartong iyon. "Samahan mo 'ko dito... please." ani ko.

Inantay ko ang responde niya pero wala akong maramdaman na nasa likod ko, kahit pag sagot niya wala!!! Napapikit ako, Aish! Bakit ba kasi ako ganto?! H-hindi ako sanay! Ako ba talaga 'to?! Pinahid ko ang mga nagbabadyang luha at naglakad na. H-hindi ako sanay ng ganito!

Alam kong matanda na ako pero, hindi ko kaya. Nasasaktan pa rin ako, lalo na ng tumalikod siya sa'kin... Hindi ako sanay! Parang feeling ko, 'yung mga tao, lumalayo sa'kin. Urgh! This is my damn weakness!

Hindi ako sanay na napagiiwanan kaya sinanay ko ang sarili ko na mag isa, walang kaibigan, walang maasahan, walang masasandalan. Lahat, lahat kinimkim ko!

Napaupo na lang ako sa kama at humiga, ngayon nakatingala ako sa kisame at pumikit.

"Wala kang kwenta!"

"Ikaw ang may kasalan ng lahat ng 'to!"

"Ayaw na naming dumikit sa'yo! Napapahamak kami!"

"Tabi! Umalis ka dito!"

"Tabi!"

"Tsupi! Alis!"

"Ba-bakit ka umiiyak?" napatagilid ako ng higa ng magsalita si Hade.

"A-andito ka pala," usal ko at tinig— napahalukipkip na lang ako ng makita siya. " 'Wag mo kong kaawaan, hindi nararapat sa tulad mo."

Damn! Hindi ko alam ang gagawin! Lumapit siya sa'kin at... at... at ni-niyakap ako. "Hindi ako naaawa sa'yo, nakikita ko lang na kailangan mo ang katulad ko."

Napapikit ako at tumulo na naman ang luha ko. Is he comforting me? Kung ganun, epektibo. I need a friend right now.

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon