27

22 0 0
                                    

Sino 'yun? Bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sa taong 'yun. Lalaki siya, alam ko. Wala siyang sinabi pero ramdam kong may tumutulo rin sa balikat ko.

Pwedeng luha pero pwede rin namang sipon— ay! Nyemas!

Umiling ako. Kadiri naman!

Hindi siya nagpakilala sa'kin. Wala siyang sinabi, walang salita salita ng iwan niya ako sa kwartong 'yun.

Niyakap niya lang talaga— manyak ata 'yun!

Umiling na naman ako. Nandidiri ako sa mga pinagsasabi ko! Pero lintik, sino ba talaga 'yun? Bakit siya pumasok sa kwartong 'yun?

Baka naman nagkamali lang ng pinasukan.

Tama! Kaya hindi siya nag sasalita. Siguro nahiya 'yung lalaking 'yun dahil nagkamali siya ng pinasukang kwarto— pero bakit umiyak ang loko?!

"Wren!"

"Luha!" sigaw ko. Umiling ako at masamang tinignan ang mga nasa harapan na naka upo.

Nakita ko si Alynette na nagtataka sa'kin. Muli kong tinignan ang mga kumag na nandito.

"Kanina ka pa tinatawag."

"May pailing iling ka pa."

"Talagang nababaliw na si Wren."

"Pfft."

Bumuntong hininga akong lumapit kay Alynette. Tinulungan ko siyang magligpit. Hinawakan ko ang mga disposable na baso at pinagpatong patong iyon.

"M-may tao ba sa kabilang kwarto?"

Kita ko ang pagtataka sa tinanong ko. Bakit? May masama ba sa sinabi ko?

Umiling si Vouhn. Nagtinginan naman ang mga kumag. "W-wala. Bakit mo natanong?"

Umiling lang rin ako. "Wala lang." sagot ko.

"Hala baka may nakikita si Wren."

"Patay. Baka 'yung multong lalaki na sinasabi ng mga estudyante."

"Tanga mo talaga Joles, hindi totoo 'yun."

Napailing na lang ako sa sinabi nila. Napahawak ako sa ulo, may benda pa rin ako. Sinubukan kong tang—

" 'Wag!"

"H-hindi pwedeng tanggalin 'yan!"

" 'Yung doctor magsasabi kung tatanggalin mo na 'yan!"

Kailangan talaga  sumisigaw?!

Nilagay ko sa garbage bag ang mga 'yun. "Hindi naman ako kumain pero bakit ang daming kalat?" tanong ko.

"Syempre kami 'yun."

"Kasalanan nila."

"Nagutom kami eh."

Mga kumag talaga kayo!

Bumuntong hininga ako at hinagis sa kanila at tinaling basura ni Alynette, mabilis naman nilang naiwasan 'yun.

"Yuck!"

"Ay bastos!"

"Bastos nakahubad!"

"Bastos na rin 'yun!"

"Naman, kadiri ka Wren."

Napairap ako at naglakad papunta sa pinto. "Linisin niyo 'yan, kumag kayo. Kinalat kalat niyo 'yan tapos babae pa paglilinisi—"

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon